"Stephen!" napatakip ako ng bibig nang salubungin niya ng suntok si Jhano pagkatapos niya akong halikan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang pagkagulat. His eyes were dark, his breath raging like fire. All I could see there was anger and coldness. Para siyang nag-iibang tao. Simula no'ng makilala ko siya, ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito. Yes, he used to be a cold person pero nasa nature na niya 'yon. He's still trying to become better... at least for me. Humandusay sa buhangin si Jhano habang nakahawak sa kanyang dumudugong labi. Pinunasan niya iyon at nakangising tiningala si Stephen na halos patay1n na niya sa tingin. "That's for kissing her!" Stephen's voice boomed across the area. "And this is—" I stopped him just as he was about to punch Jhano again.

