KABANATA TRENTA’Y CUATRO Hindi alam ni Zellea kung paano silang nakabalik sa bahay nila. Namalayan na lamang niya na nasa harap na siya ng gate nila at hinihintay na pagbuksan siya ng pinto ng katulong nila. Nasa likod lang niya ang mga kaibigan niya at hinihintay na makapasok siya sa bahay nila. Hindi nga nagtagal ay bumukas ang kanilang gate. Pagkatapos niyang magpaalam at humingi ng pasensya sa mga ito ay pumasok na siya. Nadatnan niya ang kanyang ina na may hawak ang isang kopitang may lamang alak, kaagad siyang lumapit dito at inagaw ang hawak nito. “Nasaan ang Daddy mo?” tanong nito sa kanya. “Hindi ko po alam,” sagot niya. “Tawagan mo! Kailangan niyang bumalik sa pamamahay na ito, ngayon din!” malakas na saad nito. Huminga siya ng malalim. “Mommy baka umal

