KABANATA 19 Pagkatapos ng nangyari sa Recording Studio ay medyo humupa ang bangayan nilang dalawa ni Via. Noong araw na iyon ay ramdam ni Russell ang bigat na nararamdaman ng dalaga. Nakakalunod ang nag-uumapaw na kalungkutan sa presensiya ni Via nang magsimula itong kumanta at ang emosyon na nanggagaling dito ay nakakahawa. Pinagmamasdan niya si Via habang kumakanta at sa totoo lang gusto niya itong yakapin at aluin. “Mr. Lleanda! Are you listening?” Napakurap siya sa sigaw na iyon ng kanyang Prof. “Sir?” aniya. “I gave you some homework yesterday. I say study the meaning of the word literature and its ancient origin any idea, Mr. Lleanda?” “Literature comes from the Latin word ‘Littera’ meaning 'letters’ and referring to an acquaintance with the written word. It

