KABANATA 75 Pagdating sa Mall ay agad silang dumiretso sa Supermarket para bumili ng mga babaunin nilang pagkain. Nagkasundo silang maghiwa-walay sa pamimili, iba naman kasi ang pangangailangan ng mga lalaki sa kanila. Pero binilinan niya si Russell na huwag masyadong kumuha ng mga inumin at baka makasama iyon sa kanila. Bilang mga babae ay napunta sila sa mga sunblocks cream at iba’t-ibang pamahid para hindi masunog ang mga balat nila sa init ng araw. “Ang usapan natin pagkain ang bibilhin, bakit tayo napunta dito?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa mga ito. “Come on, Vee, huwag kang killjoy. Paano mo mababalandra ang maganda mong katawan kung hindi ka gagamit nito?” Nakataas ang kilay na singhal sa kanya ni Rosalie. “Oo nga naman, Vee, huwag mong sayangin ang k

