KABANATA TRENTA'Y SIETE

1905 Words

KABANATA TRENTA’Y SIETE   “Can I ask you a question?” tanong sa kanya ni Via. Mataman itong nakatingin sa kanya at kahit nahuhulaan na niya kung ano ang itatanong nito ay gusto niya pa ring manggaling dito ang tanong.   Nagagalak ang puso niya dahil ramdam niyang nalilito ang dalaga sa kung ano ang nararamdaman nito ngayon.   “Sure,” sagot niya at pinilit na sinusupil ang magandang ngiti sa kanyang labi.   “Anong naramdaman mo sa ex-girlfriend mo? I mean how did you fall in love with her?” puno ng kyuryusidad na tanong ni Via.   Nagulat siya sa tanong nito at hindi niya inaasahan na uungkatin nito ang nakaraang relasyon niya. Kung ibang tao lang ang kaharap niya ay malamang na binara na niya at nungkang sagutin niya pero dahil si Via ang kaharap niya ay ibang usapan na iyon.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD