KABANATA 63 Pagkatapos nilang mag-usap ng kanyang kapatid ay binalikan niya si Zellea sa kuwartong inookupahan nito. Maingat siyang pumasok at pinagmasdang muli ang dalaga, mahimbing pa rin itong natutulog kaya muli siyang lumabas ng kuwarto. Wala siyang balak gisingin ang dalaga, tinawagan niya si Miss Natty para ipaalam na hindi na siya makababalik sa unibersidad at gaya ng inaasahan niya ay magtatanong ito nang banggitin niya ang pangalan ni Zellea. “Are you two, dating?” tanong agad nito. “Hindi pa, tinulungan ko lang siya today, and she’s not feeling well kaya hinayaan ko na munang magpahinga,” sagot niya. “Hindi pa,” pagdidiin nito sa sinabi niya. “Kung gano’n may balak kang ligawan si Zee?” “Sana,” sagot niya at napabuntong-hininga. “It’s not the right time to

