KABANATA TRENTA’Y NUEVE “Anong gusto mong kainin?” Malambing na tanong ni Russell sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. “Magluluto ka?” Nakangiti itong tumango. “Wala tayong mabibilhan ng pagkain ngayon, malakas pa rin ang ulan.” Huminga siya ng malalim at nag-isip. Ano pa ba ang gusto niyang kainin? Napakamot siya sa kanyang ulo at nagkibit ng balikat. “Bahala ka na.” Sinimangutan siya nito. “Wala ka na ba talagang alam isagot kundi iyan? Dalawang araw na tayong magkasama rito pero wala akong marinig na ibang sagot sa’yo,” maktol nito. “Eh, wala akong maisip. Magluto ka na lang,” saad niya. Bumalik siya sa pagkakahiga sa sofabed. Pinagpasyahan nilang dalawa ni Russell na doon na lang matulog. Oo magkasama silang natutulog, pagkatapos nang masinsinan nilang

