MARAMING rides ang nasakyan namin at halos masuka na ako sa ibang rides na halos iwan ang aking kaluluwa sa taas. Ano’ng rides ba yon? Yung tower ba yon? Halos naging lupay-pay akong dilag sa rides na iyon, parang na iwan ang puso ko sa tuktok at hindi ko nakuha. “Grabe! Napagod ako ‘don!” natatawang sambit ni Vessai habang animo’y hinihingal na hindi mo maintindihan, paano ba naman kasi ay sumakay kami sa isang barko tapos may tubig. Hindi ko na alam ang tawag doon sa rides na iyon pero na gustuhan ko naman iyon ang kaso nga lang ay nabasa naman kami ng tubig. “Pero masaya!” sunod niya pang sambit sa’min saka tumawa muli. “Ang dami na nating nasakyan, nauubusan na ko ng isisigaw. Nababawasan na ang pagka-gwapo ko!” hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ni Jacob. Napatingin ako ka

