KINAKABAHAN akong tignan si Madelline, hindi ko naman siya nasampal. Nanginginig ang aking mga kamay na tignan si Gav na ngayon ay inaayos si Madelline sa kaniyang bisig. Gusto ko maluha, hindi ko naman siya sinampal at hindi ko naman iyon gagawin sa kaniya. Siya ang may sabi sa akin no’n at sinunod ko lamang kahit akala ko pa nga ay sasampalin niya pa ako muli. “Wensy! Ano’ng nangyari?” mabilis akong nahawakan ni Vessai sa aking braso at tignan ang nasa harap namin. “Bakit siya naiyak?” sunod niyang tanong, agad tumingin sa akin si Gav at doon ako nakaramdam nang takot. Hindi naman siya maniniwala sa’kin kung sabihin kong hindi ko naman siya nampal. Sino ‘bang maniniwala sa akin? Papaniwalaan niya syempre ang babaeng iyan kaysa sa akin. “Wensy.. bakit mo naman siya sinampal? Akala k

