Chapter 30 "A-alam ko naman 'yan, hindi mo na kailangan pang sabihin sa'kin nang paulit-ulit." umiwas ako nang tingin at doon ko nanamang namataan ang sasakyan nina Gav na nasa likod namin. Sila ata ang bumusina sa amin kanina. "Hindi mo 'ba sasagutin ang tawag na 'yan? Kanina pa 'yan." nguso ni Shone sa aking nag-liliwanag na phone na tila may natawag ng natawag. Doon ko nakita ang pangalan naman ni Vessai kaya't agad ko naman itong sinagot sa pangalawang beses na sasagutin ko ang tawag niya ay mabilis ka-agad siyang nag-salita. "Ano'ng nangyari d'yan?" iyon agad ang bungad niya sa'kin ng sagutin ko ang tawag niya. "Ayos lang naman, ah!" hindi ko alam kung bakit ganiyan ang tanong niya sa'kin. "Paano ka nakarating sa kotse ni Angelo? Balita ko ay pumunta d'yan si Gav sabi ni Den." t

