Chapter 58 “HA?” malakas na sigaw ni Vessai nang sabihin ko sa kanya ang nangyari, naroroon pa lamang ang nakwekwento ko sa pumunta kami ng fast food. Ngunit ganito na siya maka-react, nasobrahan na sa sinasabi kahit na hindi ko pa naman nakwekwento nang buo. “Kumain kayo? Hindi niyo man lang sinabi sa amin?” napataray naman ako nang tila hindi niya ako pinatapos. Panay react kasi agad, hindi man lang ako patapusin muna bago mag-react. “Sai! Patapusin mo muna ko!” nanaray kong sabi sa kanya at siya naman itong pumikit at nakinig, “Ayan ang napapala nang hindi nagsasabing kakain muna,” nang-aasar niya pang sambit sa’kin ngunit tinarayan ko na lamang ito. Naririto kami ngayon sa rooftop, siguro kasi akong walang tao rito at gusto kong tahimik ang kapaligiran yung tipong walang nananakit n

