SIGURO nga ay maling-mali na umasa ako, kahit saglit lamang ay umasa ako na siya ang makaka-partner ko. Hindi ko naisip na hindi pala ako ang pinunta niya rito, nililito niya lang ang isip ko at nagpapauto naman ang puso ko. “Sorry po, late..” napatingin ako sa ngayon na papunta sa aking tabi, napataray naman ako dahil basang-basa pa siya nang kaniyang pawis. May air con pa naman rito sa loob, tss. Hahayaan kitang matuyuan para mabilis kang mamatay. Mabilis itong umupo sa tabi ko, halatang alam na alam niya kung sino ang kaniyang partner. “Hindi ako ang partner mo..” sambit ko, “Huh?” tila ipinapagpag niya ang kaniyang jersey sa loob at bahagyang tumingin sa akin. Nawawalan ako ng gana sumali nakakabwesit! Kahit hindi ko naman dapat iyon isipin ay nabwebwesit ako! Bakit mayroon sa

