Chapter 67 NAPAPIKIT-PIKIT na lamang akong tignan siya dahil sa kaniyang sinabi, bakit ba ganito ang kaniyang sinasabi? Parang lagi na lang gustong makasigurado sa lahat nang bagay na parang gusto siyang saktan. Tumingin muli siya sa langit at mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. Lumapit naman ako sa kaniya at tinignan lamang itong nakapikit at dinadamdam ang simoy ng hangin. Maganda ang kaniyang mukha, walang ka pores-pores sa mukha. Pero bakit ba iyon ang iniisip ko, sa ganda nang kaniyang mukha ay maari ko talagang masabi na nagmana ito sa dugo nina Shone. Dumilat ang kaniyang mga mata at bahagyang sumilip naman sa akin. “Kain na tayo?” saka ko inangat ang Jollibee na dala ni Shone, nakatingin ito rito at napayuko na lamang. “Hindi ka ‘ba nakain nito?” tanong ko sa ka

