HINDI ako makanood nang maayos dahil ang mga titig sa akin ni Gav ay kakaiba, hindi ko naman alam kung bakit siya ganiyan sa harap nang kaniyang girl friend. Pakiramdam ko tuloy ay nagseselos na sa akin si Madelline. Well, wala naman na siyang dapat pang ipag-selos sa akin dahil nasa kanya naman na si Gav. Consider her self lucky. “Bakla! Maglalaro rin pala sila Angelo!” sabay turo niya sa paparating na class nina Shone, kaya’t sinundan ko naman iyon nang tingin. Tama nga si Sai, pero bakit bakit ngayon pa sila nag-ganito samantalang bukas na ang simula nang Intrams. Dapat ay nagpapahinga na lamang sila dahil pangalan ng school ang dala-dala nila kung ilalaban sila sa iba’t-ibang uri ng school. “Mag-lalaro ata sila ng volley ball din..” tumingin ako kay Vessai nang sabihin niya iyon, sak

