Chapter 69 GULAT akong tignan ang kanilang gawa, sila ba talaga ang gumawa nito? Paano nila nagawa ‘to? Naninigas ang aking katawang tignan muli ang ibang bahagi nang isang gown na ito. Sa lahat nang aking iginuhit ay ito ang aking pinaka-gusto. Sa magandang lining pa lamang nito na kulay silver at hot pink na telang kumikinang sa gabi ang gustong-gusto ko. Ngunit nagaw nila ito ngayon, parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. “Sa totoo lang ay ikaw talaga ang inisip naming ilabas sa Ms. And Mr. Shin University ‘nung nakaraan pa. Pasensiya ka na at hindi ka namin agad nasabihan..” halos sumabog ang puso kong tignan ang aking mga co-dress maker ang kinuha. Ginawa nila ito para sa’kin, kahit hindi ko sila kilala lahat ay sila itong tinulungan ako. Para tuloy akong maiiyak. “Ah

