23. -- Dahil day off raw ni Luhan ay ipinasyal niya kami sa pinakamalapit na park. Simula no'ng dumating sa amin si Cede ay nawalan na rin kami ni Luhan nang panahong mamasyal. Abala na kami sa kanya-kanya naming gawain. Kaya naman ngayon na naisipan niyang ipasyal kami ay masaya ako at nakalimutan ko na na nagtatampo pala ako. Pero ang dapat na masayang araw ay napalitan ng inis nang nakasalubong namin ang first love ni Luhan. "Luhan!" Bagaman gulat ay nakangiti ito nang lumapit sa amin ni Luhan. Napairap ako sa ere at humigpit ang hawak ko sa mommy bag. "Thalia!" gulat na bulalas ni Luhan habang nakahawak ang dalawang kamay sa stroller ni Baby Cede. Tumaas ang dalawang kilay ko nang bigla ay patalon na yumakap si Thalia kay Luhan habang malaki ang pagkakangiti nito. The heck!? H

