32. -- "Lumabas na ba 'yong results ng tests mo?" tanong ni Louie nang pumasok ito sa kwarto ko, bitbit ang dalawang supot na may lamang pagkain. Tipid akong ngumiti sa kanya saka tumango. "Mm, maliit na bagay lang." "Ano raw?" kuryuso pa ring tanong niya. Humugot ako ng malalim na hininga. "Makakalabas na pala ako ngayon, salamat pala sa pagdala sa akin dito." He smiled. "Walang problema, Cresh." Inihatid ako ni Louie sa bahay pagkatapos namin sa hospital. Alam kong ang bastos ko na hindi ko man lang siya inaya sa loob, pero wala kasi ako sa mood para makipag-usap sa kahit na sino, kaya simpleng pasasalamat lang ang ginawa ko. Napatitig ako sa booklet na hawak ko habang nakaupo ako sa couch. Gusto kong maging masaya para sa blessing na 'to. Pero kahit anong pilit ko ay hindi ko ma

