20. -- Palabas na kami ng women's boutique nang bigla kaming harangin ng isang babae. Nakataas ang isang kilay niya habang pinapasadahan kami ng tingin. "Ikaw na ba 'yan, Miss Tulian?" aniya habang nakatingin sa akin. "Fyi... Mrs. Sandival," singit naman ni Kreamy. Mas lalong tumaas ang isang kilay ng babae. Gusto kong matawa, hindi ko akalaing may itataas pa pala iyon. "Talaga ba? So ipinagpatuloy mo pala ang pagiging tanga? Akala ko natauhan ka na no'ng namatay ang papa mo, hindi pala. Mas lalo kang naging tanga." Agad na nangunot ang noo ko. Hindi ko siya kilala para maging ganito siya kabastos sa harapan ko. "Close ba tayo?" sagot ko sa kanya. "Of course not! Why would I be close to someone as low as you?" mataray na sagot niya sa akin. "Halika na, dude. Huwag mo ng patulan!"

