Ibinagsak ko sa malaking couch sa sala ang pagod kong katawan. Finally, I can breathe now. Ayos na ang lagay ni Daddy. Matapos ang ilang oras ay nakausap na namin siya. Mabuti at agad siyang naisugod sa hospital. He's out of the danger now. Hindi naman malala ang naging stroke niya pero kailangan siyang magtagal sa hospital para mas maalalayan ang kalagayan niya. Sila Kuya Marco at Mommy ang magbabantay sakanya, bukas pa kami babalik. Pinauwi nila kami ni Zandro para makapagpahinga. I sighed softly and close my eyes. Ilang segundo lang nararamdaman ko na ang pamimigat ng talukap ng mata ko pero bago pa mangyari iyon naramdaman kong umangat ako sa couch na kinauupuan ko. Mabilis kong binuksan ang mata ko. "Z-Zandro.. what are you doing?" huli na ako dahil nabuhat na niya ako. "If y

