My eyelids flutter opened. p*******t ng ulo at liwang na nagmumula sa bintana ang una kong naramdaman. Hawak ang ulo ko, umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko--wait! Hindi ito ang kwarto ko! Where am I?
I looked around and it seems like I'm in a hotel. Inalis ko ang kumot sa akin at napansin kong suot ko pa rin ang damit ko kagabi.
Umayos ako ng upo sa kama. Inilibot ko ang paningin at may nakitang baso ng tubig at gamot sa may side table. Sa pangalan nito alam kong para ito sa hangover. Lito man sa nangyari ay mabilis ko pa rin na kinuha ito at ininom.
Muli akong pumikit at sumandal sa may headboard ng ilang segundo. Nasa ganoong akong ayos nang makapa ko ang pouch sa may gilid ng kama. Mabilis akong napamulat muli dahil sa ideyang nababaliw na sila sa kakahanap sa akin dahil hindi ako nakauwi!
Mabilis akong bumaba sa kama. Mukhang umapekto ang gamot dahil nawala ang sakit ng ulo ko. I run to the bathroom to wash my face. Matapos nito, kinuha ko na ang pouch ko saka tuluyang lumabas at sumakay ng elevator.
Pagkadating sa ground floor, mabilis akong pumunta sa information desk. Alam ko ang hotel na ito, isa ito sa mga sikat at high class hotel.
"Excuse me. I will pay my stay in this room." I smiled at the girl in front of me. Tumingin siya sa computer sa harapan at may kinalikot doon.
"No need ma'am. It was already paid." Natigilan ako sa paghahalungkat ng card ko.
"What? Sino ang nagbayad?" I asked. Ngumiti lang siya sa akin saka muling tumingin sa computer.
"We were very sorry ma'am but it seems like we cannot provide you the details about it." umawang ang labi ko sa sinabi niya. What?
"I'm sorry but can you do something about it? I just want to know." ngayon medyo tumaas ang kilay dahil sa nalaman. Ginawa naman ng babae ang sinabi ko at muling tiningnan ang ginagawa sa harapan ng screen.
Paano sila pumayag na may magbayad? Oh! I forgot I'm wasted last night! Hindi ko na alam paano ako nakapunta dito! Who is that man who dragged me here?
"Sorry, Ma'am. We cannot give out or release the name, privacy policies." I took a deep breath. So, sa kanya nakapangalan ang tinuluyan ko? Isang malalim na paghinga muli ang pinakawalan ko bago nagpasalamat nalang at umalis. Nang makalabas sa eksklusibong hotel ay pumara ako ng sasakyan at nagpahatid sa bahay.
Sa biyahe hindi ko mapigilang mapaisip kung sino ang nagdala sa akin sa hotel. Alam kong lalaki siya pero hindi ko naaninag ang itsura niya maging ang mga nangyare. You're really a trouble, Mariev!
Pagkadating ng bahay, tulad ng inaasahan ko, halos hindi maipinta ang mukha nila Mommy at Daddy. They were so angry. Halos ilang minuto nila akong kinausap. I said sorry and never talked back to them. Alam kong kasalanan ko talaga at pinag-alala sila ng sobra. Bata pa lang ako ay mahigpit na ang pag-aalaga sa akin. Iyon ay dahil sa sitwasyon ko noon kaya hindi ko sila masisisi kung magalit sila dahil sa pagpapasaway ko.
Natapos lang ang usapan noong pinangako kong hindi na mauulit. Nagpaalam na ako sa kanila na aakyat at magpapahinga. Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga ako sa kama. Dala na rin ng kapaguran ay hindi ko napansing muli akong nakatulog.
"Sigurado ka bang bata ka na dito natin aree mabibili ang mga librong gusto mo?" Napangiti ako. Hindi ko alam kung ilang beses ng tinanong ni Nana Bilen ang bagay na ito.
"Opo, Nana. Saka ito ang pinakamalaking bookstore na alam ko kaya hindi pwedeng wala dito ang mga iyon." Sagot ko habang hinahaplos ang mga libong nahahawakan ko.
"Baka hanapin na tayo aree ng Mommy at Daddy mo," hindi ko maiwasang matawa. Siguradong mapapagalitan kaming dalawa kapag nalaman nilang lumabas kami at pumunta sa mall na hindi nagpaalam. "Bata ka talaga kung hindi lang kita mahal talaga aree hindi rin kita papayagan na lumabas sa maraming tao tulad nito." hindi maalis ang ngiti ko kahit pa napapagalitan ako sa kanya.
"I know, Nana. Alam kong hindi mo po ako kayang tiisin." Siya ang nag-alaga sa akin simula pa noong bata ako lalo na kapag abala ang mga magulang ko sa negosyo. "But we need to find my books before they found out that we're gone." Humawak ako sa may balikat niya habang patuloy lang siya sa paghahanap.
"Mariev heto na yata aree mga hinahanap natin." Mas lalo akong nakaramdam ng saya.
"Anong nakasulat, Nana Bilen? Tulad po ba ng binigay ko sa'yo?" sunud sunod kong tanong sa kanya sa sobrang galak.
Nana doesn't know how to read, and me? Well I do know how to read but I don't have my vision. I'm blind.
Sabi ni mommy nagkaroon ako ng kumplikasyon noong dalawang taong gulang pa lang ako na dahilan ng pagkabulag ko. At halos labing dalawang taon na akong bulag sa kasalukuyan. My family tried their best to look for a donor. Karamihan sa mga nahahanap nila ay hindi tugma sa mata ko. Dalawang taon ding walang nahahanap na donor pero nito lang linggo sinabi nila na may bagong donor silang nakita. Hindi ko alam pero kahit na sobra akong nasasaktan sa mga nakalipas na donor na hindi para sa akin ay gusto ko pa rin subukan.
"Don't expect too much, sweetheart. It might hurt you again." Naalala ko pang sabi ni Daddy. Alam kong masasaktan ako kung hindi tugma ulit ang magiging donor pero gusto kong umasa. Gusto kong makita ang mundong ginagalawan ko. Gusto kong makita ang mga taong mahal ko. Gusto kong mabasa ang mga libro na hindi ginagamitan ng Braille.
"Magkamukha nga mga iree hija saka itong libro." Napabalik ang atensyon ko kay Nana Bilen at ngumiting napapatango sa kanya.
"Talaga ba, Nana?"
"Oo, aree heto na siguro." tumango akong muli saka hinawakan ang mga libro. Hindi ko mapigilan ang saya. Kapag naging matagumpay ang magiging operasyon ko mababasa ko ang mga ito. "Sige, bayaran ko na aree para maka-uwi na tayo. Dito ka na lang muna at ako nalang magbabayad. Huwag kang aalis hanggang hindi ako dumarating."
"Opo ,Nana Bilen!" masigla kong tugon. Ano kayang itsura niya? May nabuo na akong imahe sa isip ko lalo dahil madalas kong haplusin din ang mukha niya. Hindi lang ako sigurado kung eksakto ang mga ito, baka ang iilang parte.
Huminga ako at hinaplos ang mga libro malapit sa akin. Kapag bumalik ang paningin ko siguradong magagawa ko na ang lahat ng gusto ko. Hindi na rin magiging mahigpit sila Mommy dahil maaalagaan ko na ang sarili ko.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at paghaplos sa nga libro para sana malaman kung saan ang hangganan nito pero sa pangalawa kong hakbang ay bigla akong nadulas. Dahil sa bigla, napahawak ako sa mga libro dahilan para mahila ko ang mga ito at kasamang babagsak.
Inaasahan ko ang sakit pero tanging ang tunog ng mga librong natapon ang narinig ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. May dalawang bisig ang nakapulupot sa bewang ko. Masasabi kong lalaki siya dahil sa amoy niya
"Easy. You're going to hurt yourself," bahagya akong natigilan, I can smell his warm and fresh breathe. Are we that close to each other? "Are you okay?" I blinked.
"Y-Yeah. I'm fine. Thanks." Humiwalay ako sa pagkakahawak niya. Hiindi ko alam pero parang naramdaman kong uminit ang mukha ko. Nakakahiya! Hindi ko alam kung saan ako titingin.
"You should be more careful next time." Tumango ako saka yumuko. "It's really a mess." bigla akong nataranta sa sinabi niya ulit. Nakalimutan ko na ang mga nalaglag na mga libro!
Mabilis akong umupo para makapa ang ibaba ng sahig. Kumunot ang noo ko dahil wala akong mahawakan man ni isa sa malamig na sahig.
"They are here." I tilted when I heard his voice at my right side. Talagang nakakahiya!
Kagat labing humarap ako sa lugar na sinabi niya. "I.. I'm sorry." I smiled shyly. Pinulot ko ang mga nakakapang libro pero ilang segundo lang ay tumigil ako. Pakiramdam ko nakatitig lang siya sa akin. "Uhm.. I'm blind." I said. I don't know but I'm not hesitant to tell him my situation even though I don't even know him. I didn't hear any reply but I can hear his deep sighs. "Did I give you that much shock?" I giggled and later turned to a soft laugh. I can still feel his eyes on me. How I wish I can see his reaction and how he looks like.
"Mariev aree na ang mga libro mo at nabili ko na," napabaling ako sa kaliwa kung saan narinig ang boses ni Nana Bilen. "Hija! Susmaryospe! Anong nangyari dito?! Ayos ka lang ba?!" naramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka itinayo sa pagkakaupo.
"I'm fine, Nana. Aksidente ko lang po nahulog ang mga libro dito at pinupulot ko lang po," Sabi ko nang matayo niya ako. "Ayos lang po ako saka may tumutulong naman sa akin eh."
"Ano bang sinasabi mong bata ka? Aree ikaw lang mag-isa dito." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Hindi po may tumutulong sa akin na lalaki. Wala po ba siya dito, Nana?" kunot noo akong hindi nagsalita. Kahit hindi ako makakita alam kong may kasama ako kanina lang bago siya dumating..
"Akin na nga aree ang mga libro na hawak mo. Ako na magbabalik niloloko mo nanaman akong bata ka," bakit umalis siya? Natakot kaya siya sa akin pero bakit? "Halika na at umuwi na tayo baka malaman nilang pumuslit tayo." Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
"Pero.." Hinawakan na ako niya ako sa may braso. "Pero sigurado ako.." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko nang nagsimula na kaming humakbang. Alam kong hindi ko siya imaginasyon lang. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Hindi man ako napasalamatan ng maayos sakanya, hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
Unti-unting bumukas ang mata ko dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Bakit napaginipan ko na naman ang tagpong iyon?
I was fourteen years old that time and it's been nine years now. Ilang taon na rin ang lumipas kaya bakit muling naulit na dumalaw siya sa panaginip ko?
Hanggang ngayon ba naghihinayang ako na hindi ko nalaman ang pangalan niya? Hanggang ngayon ba inaasam ko na sana magkita ulit kami? I shook my head. Remembering him now is really something.. weird.