Kabanata 15

2113 Words

Dapat hindi nalang ako nagpumilit. Iyon ang mga salitang dapat ginawa ko. Anong pumasok sa isip ko at pinilit kong magtanim ng palay? Nababaliw ka na talaga, Mariev! Akala ko madali lang dahil parang wala lang sakanila ang ginagawa nila pero ang hirap pala! Masakit sa katawan! Napangiwi lang ako ng muling maramdaman ang sakit sa likod ko. Hanggat maari ayokong gumalaw sa kinahihigaan ko. Pakiramdam ko kahit anong oras pwedeng magkaputol putol ang buto ko sa sakit. Kung alam kong magiging ganito ang kahahantungan ko sana hindi na talaga ako namilit. "You're really crazy.." bulong ko sa sarili at bahagyang gumalaw ulit. Mabuti nalang natapos na ang hapunan kanina kaya pwede na akong magpahinga. Pinilit kong ininda ang sakit ng katawan ko kanina para hindi nila mahalata ang nararamdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD