Humugot ako ng malalim na hininga bago ibinaba ko ang tinidor na hawak. Pinasadahan ko ng tingin ang buong coffee shop at ang pintuan nito. "Nasaan na ba ang babaeng iyon?" bulong ko at tumingin sa relo. Alas otso na pero wala pa si Tamara. May usapan kami na magkikita dito para puntahan si Elaina pero hanggang ngayon hindi pa siya dumarating. "Hmm.. Excuse me, Miss?" napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ng isang babae. "Yes?" I looked at her. A girl with a white skin and brown long hair. Parehas kami ng pangangatawan pero matangkad ako ng bahagya sakanya. She's wearing a simple peach dress. "I think I know you. It was a long time ago but I remember you." Kunot noo akong humarap sakanya. Pinagmasdan ko siyang mabuti kung pamilyar nga siya sakin pero hindi ako sigurado. "

