ELARA LACANILAO “Elara, may pupuntahan ka ba after ng trabaho natin?” Tanong ni Sir Tyler sa akin. “Balak ko po sana na pumunta ng Mall, gusto ko Lang po bumili ng damit na pwede kong isuot pamasok; para naman hindi ako kinukutya ng ibang tao dahil sa suot ko.” Ani ko. “Pwede kitang idaan doon pag labas natin, may kailangan pa kasi akong puntahan, malapit na naman iyon sa condo mo kaya pwede ka ng mag grab pauwi. Here use my card kapag may magustuhan ka na bilihin.” Sabay abot sa akin ni Sir Tyler ng kanyang credit card. “Naku Sir, huwag na po may pera pa naman po ako dito, ito na lang po ang gagamitin kong pambili. Hindi po ninyo ako kailangang gastusan.” Mariin ang pagtanggi ko sa kanya. “I insist, hindi ka naman siguro gagastos ng 20 thousand, kaya gammitin muna ito.” Muling sab

