ARJHAY SAAVEDRA "Sir Arjhay.. Sir Arjhay... Pinapatawag po kayo ni Ma'am Weng, punta daw po kayo sa may library." narinig kong tawag ng kasambahay ni Ate. Kahit inaantok pa ako ay bumangon ako sa kama para mag ayos ng sarili ko. Hindi ako pwedeng makita ni Ate na muka pang lasing at tiyak na masesermunan na naman niya ako. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower hinayaan ko lang na malamig ang tubig na lumabas sa gripo at malayang dumaloy sa aking katawan. Muli ko na naman naalala ang aking asawang si Azalea, namimis ko na siya. Nasanay ako na tuwing umaga ay sya ang nag aayos ng gamit ko, at pagkatapos ay sasabayan niya akong maligo. "Mahal, sana nandito ka pa... sana hindi ko kailangang maghanap ang taong mag aalaga sa ating anak. Masaya sana tayo ngayong namamasyal sa kung saan

