ELARA LACANILAO Nakatulog na pala ako sa tabi ng alaga ko, napagod ako kanina dahil hindi ako tinigilan hanggat hindi kami naglalarong dalawa. Dahan-dahan akong tumayo para hindi siya magising. Tinignan ko ang relong nasa bedside table ng kama niya. Alas dose na palang pala, masyado pang maaga kaya babalik muna ako sa pagtulog. Paglabas ko ng silid ng alaga ko ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa baba. Kinabahan ako, naisip ko na baka may nakapasok nang masamang loob dito sa bahay ng amo ko. Kahit natatakot ako ay nilakasan ko ang loob ko. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan para tignan kung ano ba ang kumakaluskos na naririnig ko. Madilim ang buong paligid tanging liwanag na naggagaling lang sa buwan ang nag sisilbing ilaw, kaya hindi mo pa rin makikita ang mukha ng kung sino man ang ta

