ARJHAY SAAVEDRA Problemado ako ngayon, hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang gusto ni Mr. Chu. They only give 1 week do decide, hindi ko alam kung bakit gusto niyang i-date ko ang anak niya. Nakita ko naman na maganda ito at sexy, kung luko-loko lang ako siguro hindi ako mahihirapang magdesisyon. Sabi nga ng matatanda "Palay na ang lumalapit sa manok" tutukain ko na lang. Kinukulit na ako ni Mr. Chu, balak ko ng iturn down ang contract namin dahil hindi ko kaya ang gusto niyang makipagdate ako sa anak niya. Pauwi na ako sa bahay sakay ng sasakyan ko parang pakiramdam ko pagod na pagod ako, ilang araw ko ng iniisip kung tatanggapin ko ba ang alok niya. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, dinukot ko ito sa aking bulsa. "Hello, kuya, napatawag ka?" "Arjhay we need to talk,

