ELARA LACANILAO Kakatapos ko lang maligo at nakahiga na ako ngayon dito sa kama ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit kong inaalala ang mga nangyari sa pagitan namin ni Sir Arjhay dito sa condo. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa inamin niya sa akin. “Totoo kayang may gusto na siya sa akin? Paano kung gusto niya lang ako bumalik sa bahay niya para mag alaga sa anak niya? Pano kung di naman niya talaga ako gusto? Saka magkaiba ang gusto sa mahal,” sabi ko sa sarili ko. Naguguluhan din ako, alam kong may crush ako kay Sir Arjhay pero natatakot akong sumugal. Kung sakali siya ang unang boyfriend ko, paano kung lokohin niya ako? Kakayanin ko kaya ang masaktan? Kaya nga hanggang ngayon ay hindi ako nagpapaligaw dahil takot akong masaktan. Ang gusto ko ay kagaya ng magulan

