ELARA LACANILAO "Nay Ising, nasaan po ang juice? Ipagtitimpla ko lang po si Sir Arjhay." masaya kong sabi kay Nay Ising. "Aba, ineng, mukhang bati na nga talaga kayo ni Sir, masayang-masaya ka eh." sabi ni Nay Ising. "Opo, kaya bibigyan ko siya ng done deal juice dahil nagkasundo na kaming dalawa." hindi pa rin maalis ang ngiti ko. "Bilib ako sa'yo, Ineng, ikaw lang ang nakita kong nakakasagot sa amo. Nakakatuwang panoorin na nagbabangayan; para kayong mga aso at pusa. Ito ang juice; ang gusto ni Sir ay 'yung maraming yelo," sabi ni Nay Ising sabay abot sa akin ng powdered juice. Pagkatapos kong magtimpla ng juice ay gumawa din ako ng sandwich saka ko ito hinatid kay Sir Arjhay. "Sir, ito na po ang done deal juice mo with sandwich." ani ko. "Thank you, you may leave." sabi niya sa a

