Dawnyel POV
Nagising ako Sa isang lugar medyo malabo sa una pero kalaunan ay nakita ko na Rin Ng malinaw.
Nasa loob ako Ng Milktea shop ni Jahleel. Pero...bakit ako nandito Ang Alam ko natulog lang ako kanina sa Bahay?.
Mula sa upuan na kinauupuan ko ay agad akong tumayo at inikot ko Ang paningin ko sa loob at saka ko Lang nahata na mag Isa Lang ako dito.
" Hello! May Tao ba rito!?"
Sigaw ko mula sa loob pero bumalik Lang Ang Tanong sa Akin dahil sa nag e-echo Lang Ang Boses ko.
" Ate!,Jahleel! Nasan Kayo!?"
Sigaw ko Naman uli pero Wala Wala talagang sumagot.
Kaya bumuntong hininga na Lang ako at saka umupo uli sa pwesto ko kanina.
Sinubsob ko Ang mukha ko sa braso ko at saka pinikit Ang mga Mata baka pag ginagawa ko Yun magising na ako Sa panaginip ko na to.
Ilang minuto pa Ang makalipas Ng biglang may tumawag Ng pangalan ko at Dali Dali akong Napa lingon sa pinanggalingan nito.
Paglingon ko ay agad na bumungad Ang maaliwalas na mukha ni Jahleel naka ngiti sya sa akin at papalapit.
Naka puti syang Polo shirt,pants at saka Sapatos.
Parang Isa talaga syang anghel na bumaba sa langit.
Ng makalapit sya sa akin ay inaabot nya Ang Kamay nya sa akin at dahil sa ako ay naka upo ay naka tingala ako sa kanya at kaharap ko ngayon Ang gwapo nyang mukha,ngayon ko Lang napansin na Ang Cute Cute nyang tignan dahil sa singkit nyang Mata at matangkad na height.
"Pasensya na Dawnyel na Huli akong dumating traffic eh"
Sabi nya bigla at biglang naging maingay Ang buong paligid at ngayon ay nasa isang Parke kami ngayon at saka naka upo ako Sa bench habang sya at naka Yuko at naka Lahad Ang Kamay nya sa akin.
" Hmmm okey Lang yun! Walang anuman....pero anong ginagawa natin dito sa Parke? Kanina nasa Loob Lang ako Ng Milktea shop tapos ngayon nandito na ako?"
Naguguluhan Kong Sabi sa kanya.
Biglang umupo si Jahleel sa tabi ko at hinarap ako.
" Alam mo Dawnyel...may sasabihin ako sayo Kaya nandito ka"
Sabi nya sa akin at tumibok Ng malakas Ang puso ko dahil sa sinabi nya Hindi dahil sa kinakabahan ako dahil sa Kung ano man Ang sasabihin nya pero...dahil nakaramdam ako Ng pag ka miss sa kanya dahil ilang araw ko na Rin syang iniiwasan.
" Ano iyon Jahleel"
Tanong ko Naman sa kanya sabay lapit kaunti sa kanya.
Ngumiti sya at hinawakan Ang Kamay ko gamit Ang Kamay nya at pinatong sa kanyang kandungan.
" Dawnyel...sinabi ko na sayo dati na nag seselos ako pag mag kasama kayo ni Cooper, Dawnyel Hindi ko Alam Kung Pano pero Ang Alam ko Lang gusto Kita, gustong gusto Kita"
Sabi nya sa akin na kina nganga ko dahil punong puno Ito Ng sinseridan sa kanya Mata at saka kasabay nito ay Ang pag t***k uli Ng puso ko.
" Alam Kong Hindi ka maniniwala dahil kilala mo akong isip Bata,paibaba Ng mood at saka palabiro at higit sa Lahat Takas sa mental Gaya Ng Sabi mo"
Sabi nya sa akin. Pero Hindi ako naka sagot sa sinabi nya
" Mag salita ka Naman oh Dawnyel...Alam mo ba gustong gusto kitang tanungin Kung ano bang nararamdaman mo Sa akin pero natatakot ako natatakot ako na Baka...baka iwasan mo uli ako at ayokong mangyari Yun dahil nung iniiwasan mo ako at Hindi Kita nakita Ng ilang araw parang Hindi kumpleto Ang araw ko dahil Wala ka....Pero ngayon tatanungin Kita Dawnyel"
" Ano bang nararamdaman mo Sa akin? May gusto ka Rin ba sa akin?"
Yan Ang Tanong nya sa akin pero Napa Yuko ako Sa mga Tanong nya. Oo kahit na pigilin ko Ang nararamdaman ko Alam Kong Mahal ko sya na nahulog na ako Ng tuluyan sa kanya.
Pero hindi Yun pwedeng mangyari! Hindi Kasi pwede...
" P-pasenya na Jahleel pero Hindi pwede"
Sabi ko sa kanya at sabay iwas Ng tingin sa kanya.
" Pero bakit? Bakit Hindi pwede?"
Tanong nya parin sa akin.
" Dahil Pareho tayong lalake! Jahleel naiintindihan mo ba Yun?"
Sabi ko sa kanya at tinignan ko sya sa mga Mata nanggigilid Ang mga luha ko dahil sa sinabi ko.
" Masakit man pero Yun Ang katotohanan Hindi tayo pwede Hindi dahil sa di kita gusto pero dahil Hindi pwede at dahil kasalanan Yun sa Diyos at para sa iba salot tayo sa lipunan"
Sabi ko sa kanya.
" Pero importante pa ba iyon? Huh Dawnyel? Iisipin pa ba natin Ang mga bagay na iyon, Hindi natin kailangan Ang komento Ng nasa paligid natin dahil Hindi Naman sila Ang pakikisamahan natin...Hindi Naman natin kailangan Ipa intindihin sa kanila dahil ayaw Rin Naman nilang intindihin!"
Sigaw nya sa akin at saka bigla syang tumayo Kaya hinawakan ko Naman Ang Kamay at sabay hila uli sa kanya pabalik sa kinauupuan nya.
" Jahleel....Hindi Basta Basta Ang sinasabi mo Kasi eh lalo na at Estudyante ako at Ikaw businesses man...ano na Lang sasabihin Ng ibang Tao?...Na ginawa kitang ganyan Kaya ka nag kagusto sa akin? Hindi mo naiintindihan Ang side ko Jahleel"
Sabi ko Naman sa kanya.
" Pero Ang importante Lang Naman dun Hindi ba Dawnyel ay Mahal natin Ang isat Isa Hindi ba?, Kung natatakot ka sa sasabihin Ng iba hayaan mo silang mag salita Ng Kung ano ano dahil kilala Naman Kita at wag Kang mag alala dahil Sasamahan kitang labanan at ipagtanggol sa iba"
Sabi nga sa akin at binitawan nya Ang Kamay ko at akmang aalis na sya pero sa pangalawang pag kakataon ay hinila ko sya pabalik at nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at hanggang sa iilang pulgada na Lang Ang namamagitan sa Amin.
" Jahleel Oo na gusto na kita, Mahal na Kita panalo ka na"
Sabi ko sa kanya at saka pinagdikit namin Ang aming mga Labi at binigyan ko sya Ng Isang banayad na halik,halik na punong puno Ng pag ibig.
Pinutol ko Ang halikan namin at saka minulat ko Ang Mata ko at nagimbal ako Sa nakita ko pag mulat ko.
Nakita ko si Jahleel duguan Ang mukha at may dugo sa buong mukha nya.
" Mahal na Mahal Kita Dawnyel tandaan mo Yan"
Sabi nya at Napa iyak na Lang ako Ng Makita Kong naka handusay sya sa daan habang naliligo sa sarili nyang dugo..Hindi pwede to...panaginip Lang to Panaginip Lang to!
" Hindi!!!!!!"
******************************
Namalayan ko na Lang Ang sarili ko na nakahiga sa mamaya habang nasa tabi ko si Jahleel.
Agad ko syang niyakap Ng mahigpit at namalayan ko na Lang Ang sarili ko na umiiyak sa balikat nya.
" Shhhh Tama na wag ka Ng umiyak"
Sabi nya sa akin pero imbes na tumahan ako ay mas lalo akong naiyak dahil laking pasalamat ko na Lahat Ng nakita ko Lahat Lahat ay panaginip Lang.
Humiwalay ako Sa pag kakayakap sa kanya at naka tingin sya sa akin at bakas sa mukha nya Ang pag aalala.
" Ano bang nangyayari sayo? Dawnyel kanina Ang taas Ng lagnat mo Kya pinunasan Kita at pinalitan ko Ang damit mo pero pag balik ko para Sana Gising ka at yayaing kumain Ng bigla bigla ka na Lang bumangon at tinitigan mo Lang ako"
Sabi nya sa akin... Napa isip Naman ako ibig sabihin Lahat Ng galaw ko sa panaginip ko ay totoong ginawa ko sa kanya?.. ibig sabihin pati Yung...
" Wala... Okey Lang ako masaya Lang ako at nakita kitang okey"
Sabi ko na Lang sa kanya at nag taka Naman sya sa sinabi ko.
" Dawnyel okey ka Lang? Ikaw tong may sakit ikaw pa tong tinatanong ako kung okey ako, Siguro kailangan mo Ng kumain gutom Lang Yan hintayin mo ako dito at dadalhan Kita Ng makakain"
Sabi nya bigla at agad syang pumunta sa kusina namin.
Pipigilan ko Sana sya pero Ang bilis nyang umalis... At saka nasan si Donny? Pumunta parin ba sya Mall?.
Pero masaya ako na dahil Hindi totoo Lahat Ng nun...pero bakit? Bakit ganun Ang panaginip ko? May ibig bang sabihin Ang panaginip na iyon?...wag Naman Sana ,Sana Hindi nga.
Pag balik Ni Jahleel ay may dala syang pag Kain at inilagay Ito sa mesa na nasa uluhan ko. Isang mangkok Ng ginisang gulay na sa tingin ko ay ito yung gulay na stock sa loob Ng aming ref at isang mangkok Ng Mainit na sabaw Ng baka na sa tingin ko Naman ay binili nya Lang sa tapat Ng bahay namin.
" Ayan kumain ka na at mamaya uminom ka na Ng gamot mo pagkatapos mag pahinga ka na"
Naka ngiti nyang Sabi sa akin....Katulad Ng nasa panaginip ko Cute parin sya pag ngumingiti, Hindi ko Alam naag kakatotoo pala Yung kasabihan nila sa wikang Ingles na
' The more you hate, The more you Love '
Oo na ayokong mahulog sa kanya Ng tuluyan pero anong magagawa ko Kung sya Ang sumisigaw Ng puso ko?.
Tama Rin si Donny na walang pinipili Ang pag ibig, Kung Mahal mo Mahal mo.
" Oh? Kanina ka pa naka tingin sa mukha ko wag mo sabihin na ako Ang gusto mong kainin? Ayoko! Ayokong makaso Ng Child Abuse"
Sabi nya bigla na kina kunot Naman Ng noo ko.
" Ha? Pinagsasabi mo Jahleel? Ikaw kakainin ko? Naku wag na Lang kahit magutom na ako, at saka anong child Abuse Ang sinasabi mo dyan 21 na ako nasa legal age na ako"
Sabi ko Naman sa kanya, kahit na may gusto ako Sa kanya Hindi nya pwedeng malaman Yun Lahat Ng sinabi ko sa panaginip ko mananatiling dun Lang iyon at Wala Ng makaka Alam pa.
" Oh? Wag Kang magalit Dawnyel, baka mabinat ka eh pasensya na sa sinabi ko pero totoo naman Kasi na baka makaso ako Ng Child Abuse Kasi tignan mo Ang laki Kong Tao tapos ikaw Ang liit mo baka pag kamalan ka nilang Bata"
Sabi nya sa akin at kahit medyo masakit Ang ulo ko ay hinampas ko sya gamit Ang unan ko.
Tawa Naman sya Ng gawa habang sinasalo Ang Lahat ng mga hampas ko sa kanya.
Ang inis ko sa kanya napalitan Ng saya habang pinag hahampas ko sya dahil ngayon ko Lang sya makitang tumawa Ng ganito Hindi dahil sa nag aasar sya kundi dahil sa natural Lang na masaya sya.
" Hahaha Tama na Yan Dawnyel kumain ka na para makainom ka narin Ng gamot mo"
Sabi nya sa akin at tumigil ako Sa pag hampas sa kanya at saka humihingal ako na umupo uli sa Kama ko pinag papawisan na ako...Ibig sabihin magaling na ako.
" Salamat "
Sabi ko bigla sa kanya at saka tumingin sya sa akin at ganun din ako. Ngumiti ako Sa kanya.
" Salamat sa pag aalaga mo Sa akin kaninang may sakit ako"
Sabi ko sa kanya at ngumiti Rin sya sabay iling.
" Kahit na Takas man ako Ng mental na sinasabi mo, may puso parin Naman ako saka Boss mo ako Obligado talaga Kita"
Sabi nya sa akin na nawala Ang ngiti sa mukha ko Tama .. Boss ko sya kahit na umamin na syang nag seselos sya pag kasama ko si Cooper kahit kailan Hindi nya sinabing may gusto sya sa akin.
At Kung ano man Ang nararamdaman ko sa kanya sa akin na Lang Yun nasa kanya na Ang desisyon Kung papasinin nya Rin tong nararamdaman ko sa kanya.
" Oo na Obligado mo na ako dahil Empleyado mo ako Ang sweet mo namang Boss"
Sabi ko sa kanya.
" Aba! Syempre Hindi lang sweet gwapo pa"
Sabi Ni nya at binuhat nya parin Ang sarili nyang bangko at saka Napa ngiti na Lang ako habang Napa iling iling.
" Oo na may magagawa pa ba ako?"
Nahulog na nga Ang loob ko Ng tuluyan sa Iyo, pero Sana Hindi umabot sa part na sasabihin mong Wala Kang gusto sa akin at trip Lang Lahat Ng ginawa mo Sa akin dahil..dahil sa oras na ginawa mo iyon guguho Ang mundo ko.. Oo Jahleel gusto Kita...Hindi Mali pala...Mahal na Kita.
Wakas Ng Pangsampu na Bahagi