Pinag-isipang maigi ni Jenny ang sinabi sa kanya no Sir Eddie, tama siya, hindi niya pwedeng paghintayin o paasahin si Sam kung hindi din lang niya ito mahal. Dahil sa naguguluhan ay napagpasyahan niyang kausapin si Myleen sa skype. Taman tama namang naka online ang kaibigan. "Best! Tulungan mo ako." bungad niya sa kanyang kaibigan. "Oh, bakit? Anong nangyari?" pag-aalalang tanong naman ng isa sa kanilang camera. "Naguguluhan ako eh." paghapo niya sakanyang ulo. "Saan?" nagtatakang tanong naman ng kaibigan. "Sa nararamdaman ko. Naaawa ako kay Sam best, pero aya ko naman na paasahin siya sa wala." aniya. "Ano? So you mean, all this time hindi mo talaga mahal si Sam?" Gulat ang kaibigan. “Bakit mo pa pinatagal kung una pa lang ay wala ka talaga nararamdaman? Hay naku ka Jenny!” kompro

