Kabanata 9: Tagumpay

1377 Words
Kabanata 9 Tagumpay Crysseo's POV Napansin kong pumana ang kasama ko sa itaas, kaya naman ay inihagis ko kaagad ang apat kong pako sa magkabilang gilid kung saan ang mga posibleng lokasyon na kaniyang puntahan upang iwasan ang palaso. Sa tagal ko nang pagsasanay sa pagbato ng mga pako ay ramdam kong may natamaan akong laman. At pinatunayan 'yun ng kaniyang galaw na paatras. "Ako na sa kaniya," paalam ko sa grupo at hinabol ang mga nadadaanan niyang sanga at dahon. "Sandali!" sigaw ni Rey ngunit di ko na siya pinansin at nagpatuloy. Nung una ay mabilis ito pero unti-unti na naaabutan ng aking kabayo. Nakaramdam naman ako ng mainit na likidong pumatak sa aking kamay at kita kong galing ito sa dahon sa itaas. Hindi nagtagal ay may pigura ng lalaking bumagsak sa lupa. Pinigilan ko ang kabayo sa pagtakbo at pinalakad ng mabagal palapit. Teka--isang bata? Duguaan ito at namimilipit sa sakit gawa ng pagkabagsak at nakabaong pako sa kaniyang hita. Agad din siyang tumayo at sinunggaban ako gamit ang kaniyang tinidor sa aking ulo ngunit kaagad ako nakaiwas. Nabighani ako sa nakita. Ang hawakan ng tirador ay de-tiklop na kutsilyo. Kumuha siya ng balang bato sa kaniyang sling bag at pinatama sa akin. Nasalag ko naman ito ng kutsilyo at kaagad bumunot ng apat na pako at walang atubiling pinalipad sa kaniyang direksyon. Hindi niya natapatan ang aking bilis kaya naman tumama ito sa magkabilang braso, at dalawa sa dibdib. Napasuka siya ng dugo at natumba sa lupang hinahabol ang hininga. Dahan-dahan ako lumapit sa kaniya upang tuluyan. "Talaga lang? Itataya ninyo ang buhay niyo para sa isang drug lord at kurap na gobyerno?" Napatigil ako sa sinabi niya. Ang gobernador na aming binabantayan ang siyang naglaglag kay Kiko. Tapos ay nagawa pa niyang ngumisi, "Kung 'di ka sana nangialam, madaming mahihirap ang hindi magugutom ng isang buwan," dagdag pa niya habang may pumupuslit na likido sa kaniyang mga mata. Naalala ko ang sarili ko. Kung ano ang pakiramdam ng nagugutom sa lansangan. At ang kaniyang mga tingin ay may lakas na loob ngunit walang kakayahang lumaban. Pero kailan man ay hindi ko naisipang mag-isip para sa kapakanan ng iba maliban kay Faye. Kailan man ay hindi ko ring naisipang manlaban sa gobyerno. Ilang segundo ang lumipas ay may pumulupot na dila sa kaniya. Tinignan ko ang pinanggalingan ng dila at nakita ko ang isang dalagitang kaedad niya na madungis din ang tagpi-tagping damit. Sa kaniyang katawan ay nagawa niyang buhatin ang kasamahan at tumakbo. "Iwan mo na ako!" rinig ko pang sigaw ng lalaki. "Hindi kita iiwan," sagot sa kaniya ng babae. "Malakas siya at siguradong maaabutan niya tayo." "Tumahimik ka!" Hindi ko alam kung bakit nakatunganga lamang akong pinagmamasdan silang nakakalayo. Lumingon pa ang batang babae at nagkatinginan kami sa mata. Pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa harapan. Hindi ako maaaring makaramdam ng awa. Kung sila nga hindi naawa sa mga kasamahan namin. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa paligid. At paglingon ko ay si Rey lang pala na kadarating lang. Tulala itong nakatingin sa direksyon ng tumatakas na bandito, "B-Bakit mo sila hinayaang tumakas?" may bahid sa kaniyang tono ang pagkabigo. "May lason ang mga pako ko. Hindi magtatagal mapupuruhan din sila," pagsisinungaling ko alang-alang sa kaniyang pagkakuntento. Yumuko siya at tinignan ang mga nakasarang kamao, "Gregoria..." madamdaming aniya na may kasamang luha sa mga mata. Bumalik na kami sa aming mga kasamahan. Maayos na ang karwahe at handa na upang maglakbay--tanging kami lamang ang hinihintay. Lahat ay may malulungkot na ekspresyon ng mukha dahil sa nangyari. "Tara na, baka may dumating pang ibang bandito," pagyayaya ni John. "Mga buwiset na bandito!" kumento ng nagmamaneho ng karwahe saka pinaandar ang dalawa nitong kabayo. Kailangan pa ba talaga nila itong ibalik sa kaharian? Puwede namang paghatian. Wala namang makakaalam na napagtanggol namin ang ginto o kung buhay pa man kami. "Sigurado bibigyan tayo ng pabuya ng gobernador dahil naipagtagtanggol natin ang kaba ng bayan." "Sana nga, Kruvos," pag-sang-ayon ng namamana sa kulot na lalaki. Mga hangal. Mga kaedad ko lamang sila ngunit napakakitid nila mag-isip. Hawak ang tali sa kabayo, luminga muna ako sa paligid. Ang Nightingale, hindi ko na sila maintindihan. Hindi na ako aasa sa kanila kapag may dumating muli na kapahamakan. Stick to the plan pala, ah? Tsk! Mayamaya ang pag-ungol ng aming mga kabayo dahil sa mayamayang paglalatigo namin. Bukod sa maaaring magsidatingan pa ang ibang mga bandito ay kailangan naming makahabol. Pero sa tsansa ko ay mukhang nakapasok na sila sa syudad. Halos kalahating oras lang naman ang pag-antala namin. Lumipas nga ang halos isang oras ay natanaw na namin ang mga higanteng pader--ang syudad ng Zonia. Nang nakalapit na kami ay tinanong muna ang aming sadya habang iniinspeksiyon. Pinaliwanag naman nila ang nangyari hanggang sa pinatuloy din kami. Mahigpit talaga ang seguridad dito sapagkat ito ang kapitolyo--kung saan dito rin nakatayo ang palasyo. Nakarating kami sa restawran na binabanggit nila. Bumungad sa amin ang dalawang pamilyar na karwahe at mga kabayo sa labas. Tapos ay may mga nakatambay na mga Law Enforcement sa bawat pader na siyang pinagsisilbihan pa rin ng mga weyter. Sinulyapan ko ang reaksiyon ng mga kasamahan ko. Pare-pareho kaming hindi mapigilan ang malalawak na ngiti--maliban kay Rey. Ipinarada na namin ang aming mga kabayo at bumaba upang tumungo sa loob ng restawran. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng mga eleganteng mesa't upuan na nakapatong sa pulang alpombra (karpet). Tapos, sa tapat ng aranya ay ang may malaking hagdanan na para bang isang mansyon kung saan bumababa ang debudante dala-dala ang mamahaling damit nito. Sinampal ko ang sarili ko at napangiwi ako sa sakit--katunayan na hindi nga ako nanaginip. Hindi ganitong restawran ang inaasahan kong makita. "Wow..." rinig kong pagkamangha nila. "Ayun ang gobernador!" turo ni Kruvos at pumagaspas naman sila ng takbo habang kami ni Rey ay naglakad lamang. Pagkalapit namin sa gobernador ay ginaya namin ang mga kasamahan naming nakaluhod. "Gobernador, nagtagumpay kami," ani John. "Sino sila, Heneral Dang?" "S-sila ang mga nakapusisyon sa ikatlong karwahe." Lumipas ang ilang segundong katahimikan. Parang may mali. Tinignan ko ang reaksiyon ng mga kasama ko at kita sa kanilang nagkikislapang mga mata na hinihintay nila ang papuring reaksiyon ng gobernador sa amin. Habang ang dalawang tao naman niluluhudan namin ay mga nakakunot kilay. Tumingin muna sila sa paligid kung saan agaw atensyon pala ang aming sitwasyon. Mula seryosong mukha ay nagawang ngumiti ng gobernador, "Oh? Napakahusay pala ng mga tauhan mo, Heneral!" papuri nito kung saan inilahad pa niya ang mga kamay bilang pagmamalaki. Ngumiti na rin ang heneral, "Oonga, dahil diyan, maupo kayo at piliin ang anumang gusto ninyong kainin." Naunang tumayo si Kruvos, "Talaga po!? Tara!" sabik nitong ani at naunang umupo sa pinakamalapit na upuan. "Maraming salamat po," pormal na ani naman ng mga natira sa amin at sumunod na sa piniling la mesa ni Kruvos. Nang nakaupo na ako ay nasaksihan ng mapanilip kong mga mata ang pagbubulungan ng dalawa bago tumayo muli ang heneral at lumabas ng restawran. "Waiter!" pagtatawag agad ni Kruvos. "T-Teka lang--" pagkabalihasa ni John. "Libre naman lahat, wala kayo dapat ipag-alala. 'Di ba Rey?" Hindi ito umimik bagkus nakatunganga lamang sa ibaba, ni sumulyap sa menu ay hindi niya nagawang pansinin. Samantalang kanina lang ay siya ang pinakasabik dito. Nanlungkot ang mga mukha ng grupo. At doon ay narinig kong humikbi si Kruvos. Nang napatingin ako ay nanlaki ang mga mata niya, "Teka punta lang ako ng banyo," masayang aniya. Hindi ko alam ang pinagdaanan ng grupo na ito at kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Pero tanging si Rey lamang ang makikita mong nagluluksa sa lahat. "Military rule #2: Death is honor," seryosong ani ng marunong sa pana. Kabobohan. "Tama si Sai, Rey," patong naman ni John pero halata pa rin na nagpapanggap lang din itong matatag. "Naiintindihan din namin na matagal mo nang gusto si Gregoria, pero kailangan nalang nating tanggapin ang katotohanan," may pagkamaangas ang boses ng nagmaniobra sa karwahe. Hanggang doon na laman ang usapan at ipinagpatuloy ang selebrasyon sa tagumpay ng grupo. Bumalik na rin si Kruvos na parang wala lang nangyari. "Parang may mali," Katabi ko lamang si Rey kaya rinig ko ang kaniyang bulong sa sarili habang pinipisa ang kamao. ][][][][] MIDNIGHT JAILBIRDS ]mvcabusas[
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD