Chapter 3

3271 Words
Art POV... hating gabi ng maalinpungatan ako... mga 2am pasado na... lumabas ako ng kuwarto para mag Cr at uminom nadin ng tubig nakaugalian ko na... Silipin ang labas para masiguradong walang makakapasok na ibang tao.. sa compound namin... Medyo madilim man napansin kong may tao sa labas na nakatayo sa tapat ng bintana ni Mirella hindi lang sya nag iisa nakilala ko kagad si Mirella nakatayo sa Harapan ng Tao nayun anong oras na bakit nasa labas sya...agad akong napalabas ng bahay.... "Sino ka?! Anong kailangan mo kay Mirella...!?" humarap ito sakin...ngumiti sya pero bat hindi ko maaninag ang muka nya... papalapit na sya ng papalapit sakin.... ng hindi sya nag lalakad napansin kong nakalutang lang sya sa hangin ni hindi ko makita ang mga paa nya...sinusubukan ko lumapit kay Mirella pero humaharang yung Tao na ito...kung tao ngaba sya... "Mirella!!!!" Sigaw ko pero parang hindi ako naririnig ni Mirella.... nanlaki ang mata ko at napapaatras...ng napansin kong malapit na sya sakin pero huli na ang lahat bago paman ako makalayo nakalapit na sya! nakakatakot ang muka nya...ng makita ko..... "Waaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw nya... at bigla nalang ako nagising... pinagpapawisan ako ng malamig.... "Panaginip lang pala" naalala ko.. sila Mirella... bumangon kagad ako... at agad akong pumunta.... sa tinutulugan nila para malaman kung ok lang sila.... Mirella POV.... nagising ako sa panay panay na katok sa pintuan tinignan ko ang oras...alanganin naman....3am palang.. "Zita may kumakatok" pero hilik lang ang narinig ko nasagot nya.... kaya bumangon ako... ng bahagyang nakapikit ang mata ko kinusot kusot ko ito at kinapakapa kung may muta ba.. para medyo magising gising ako.... kahit papalapit nako.... tuloy tuloy padin ang pagkatok...nito... "Sino ba iyan? alanganing oras naman" "Mire... Mirella! si Art ito Buksan mo...!" "Art?" binuksan ko ng bahagya ang pintuan para silipin kung si Art nga mahirap na baka mga kawatan ang na ng gagaya ng boses.... sinilip ko at wala naman akong nakikita.. isasara ko na ng biglang pinigilan ito ni Art..... napahawak ako sa dibdib ko.. "Art! ginulat mo naman ako" at agad kong binuksan ang pintuan.... Art POV.... hindi ko tinigilan ang pagkatok... hanggang sa bahagya itong bumukas.... pero ng makita kong mag sasara uli ito pinigilan ko na....si Mirella siya ang nag bukas ng pintuan.... "Art! ginulat mo naman ako" ng tuluyan na nyang binuksan ang pintuan.... bago pa sya makapag salita agad ko syang inakap...... "Salamat at panaginip lang ang lahat..." "Ano bang ng yari....?" Tanong nya sakin pero hindi ko kagad nasagot..... Mirella POV.. hindi ko alam bakit bigla nalang nya ako inakap... hindi ko na napansin na nakapasok na pala kami sa loob ng bahay...at na isara nya na pala ito.... hindi nag tagal lumuwag din ang pag kaka akap nya sakin.....ngayon lang ako inakap nito ano kaya ang problema.... tinitigan nya ako sa mata ko... kinabahan ako... pakiramdam ko may sasabihin sya na hindi ako handang marinig... "Sino bayun Mire alastres palang ng umaga?" nagising si Zita....nag kakamot pa ito ng likod nya.. at kinukusot ang mata nya... pero hindi kami makapagsalita agad.... napatingin ako kay Art... na bahagyang lumungkot ang mga mata nya...at napakagat sya sa labi nya..na tila may pinipigilan syang sabihin... "OH! Art anong ginagawa mo dito ng ganitong alanganing oras?" Hindi nag salita si Art...tumingin lang sya sakin... lumapit sya sa pintuan at ni Lock nya ito... pumasok sya sa kwarto at tumingin sa bintana... sinigurado nyading nakasara ang bintana... "Dito ako matutulog!" "ANO?!" sabay naming nasabi ni Zita....nagtataka kami... at nagtatanong sakanya pero hindi nya kami sinasagot.... humiga sya sa Sofa at sinimulan na nya ipikit ang mata nya... "Ilock nyo maigi kwarto nyo..." "Ay naku bahala kanga! bukas dapat sabihin mo samin.. bat ka nag kakaganyan matutulog nako ulit" humiga na si Zita... at sisimulan na ulit matulog sabagay hindi naman bago kung dito matulog si Art... pag naiiwan mag isa si Art at umaalis ang magulang nya sinasamahan nya lagi kami ni Zita.... maliban lang ng naandito pa si Kuya... pero pag panggabi dati si kuya sa Trabaho nya...silang dalwa ni Zita ang kasama ko matulog dito.... kumuha ako ng unan at kumot lumabas ako ng kuwarto nilagay ko ang ulo nya sa unan at kinumutan binuksan ko din ang electricpan baka kasi lamukin sya... nagulat ako ng pag harap ko sakanya naka upo na sya at nakatingin sakin... "Nagising ba kita? baka kasi mahirapan ka sapag tulog... kaya nilagyan kita ng unan pati kumot binuksan ko nadin tong electricpan baka kasi lamukin ka.. pesenya kana at na istorbo ko ang tulog mo" "gusto mo ba sya? si Taro gusto mo ba sya.....?" hindi ko alam bat bigla akong nakaramdam ng kaba sa tanong nya...pero ngumiti ako sakanya at Tumango na ang ibig kong sabihin ay OO... Yumuko sya...at napansin kong kinuyom nya ang mga palad nya.. ibig sabihin lang hindi nya kayang sabihin ang gusto nyang sabihin... kaya nilapitan ko sya...at tinabihan sa sofa...hinawakan ko ang kamay nya na naka kuyom.. tumingin sya sakin at nginitian ko sya.... "Huwag ka mag alala walang mag babago kayong dalwa ni Zita hindi na iba sakin...pamilya na ang turing ko sa inyo... ang pag mamahal ko sa inyo hindi na magbabago... parte kayo ng buhay ko... pasensya na kung minsan pinag aalala ko kayo masyado ni Zita nag papasalamat ako sa pagbibigay ng mahabang pang unawa sa tuwing nag kakamali ako... masaya ako at napaka palad ko dahil kayo ang mga naging kaibigan ko..." hinawakan ni Art ang kamay ko..... "pag sinaktan ka nya.. lagot sya sakin hindi ako makakapayag na may mananakit sayo....kahit sino payan... lagi mong tandaan na naandito lang ako palagi....(ngumiti ako sakanya at hinawakan ko ang muka nya) oh sya matulog kana" "Mainit kanaman pala akala ko dati hindi minsan kasi napaka lamig ng pakikitungo mo sakin ngayon alam ko na...hindi kanaman pala kasing lamig ng yelo" Tumayo nako at pumasok na sa kwarto... at nag simula na ulit humiga at ipikit ang mata....para makatulog pa masyado pa kasi maaga... Art POV... naiwan akong nakatulala matapos nyang sabihin sakin iyon.... pumasok na sa kwarto si Mirella at isinara ang kwarto.... ang init ng mga palad nya pati ang muka nya... hindi ko alam ano naisip ko at inakap ko sya kanina... ganito pala ang pakiramdam eto pala ang tinatawag na Love hindi ko mapigilan ang ikinikilos ng katawan ko ayoko sya bitawan pero kailangan ko... napahawak ako sa noo ko at napatingin sa kisame... kailan ko kaya maaabot ang puso nya... ni hindi ko magawang sabihin sa kanya oh maparamdam manlang hindi ko alam pano aabot sakanya ang pagmamahal ko... na higit pa sa kaibigan.... pinikit ko ang mata ko pakiramdam ko kasi may luha na lalabas dito.... Art POV... "Mire gumising kana...anong oras kaba kasi natulog kanina" "Zita...wait lang" "Dali na mag luto kana ng almusal" nagising ako.. sa ingay ni Zita... kaya bumangon ako...hindi naman kasi ako nakatulog ng maayos miyat miya nagigising ako... kaya tumayo nako at niligpit ko ang unan at kumot... "Hoy ikaw!! Ano ba kasi iniisip mo at alanganing oras bigla kanalang pumunta dito?" nakapa mewang pa si Zita..... "Ang aga aga Zita ang ingay mo" "Aba syempre ano aalmusalin namin nyan gusto ko ang luto ni Mirella pero dahil napuyat sya ayan hanggang ngayon tulog pa...." "Ako na mag luluto ng almusal hayaan mo muna sya matulog..." nakita kong ibinabangon ni Zita si Mirella sa pag kakahiga... pinipilit nya itong bumangon.... "Dali Mire may himalang ng yari si Art daw ang magluluto kaya bumangon kana dyan" pumasok ako ng kwarto at pinigilan ko si Zita... "Ano kaba sinabing hayaan mo muna sya matulog" ngumiti si Zita...at umalis...habang si Mirella ay humiga ulit.... "Pag igihan mong mabuti yan.... dapat matagal mo ng ginawa yung ganitong bagay dati pa ehdi sana...ikaw na ang panalo" napaisip ako bakit hindi ko ngaba ginawa ang mga ganitong bagay dati pa...bakit ba mas pinili kong pakitunguhan sya ng malamig....dahil ba ni hindi sumagi sa isip ko na maaaring magkagusto sya sa iba... "Salamat Art..." sabi ni Mirella...matapos ko siyang kumutan.... at isinara ko na ulit ang kwarto... nag simula nako pumunta ng kusina at nag luto kahit papaano marunong naman ako mag luto....ng basic...pero dahil nagising si mama si mama na ang nagpatuloy ng pagluluto... "Salamat Sa pag kain" sabi ni Zita habang kumukuha ng pag kain... tinapik ko ang kamay nya.... "Ahh gutom nako noh" "Kay Mirella yan" habang nilalayo ko ang ulam na niluto ko.... "Teka nga anak... si Mirella ngapala bat parang wala pa dito" Tanong ni Mama sakin.... "Ay naku tita etong anak nyo... alanganing oras nagkakakatok sa bahay kaya ayan napuyat si Mirella ang hirap panaman gisingin nun pag napupuyat" "Kaya naman pala madalas kasi pag sya ang nagigising may almusal na pag ka nagising ako...Eh ano ba kasi ng yari anak at nangbulabog ka ng alanganing oras" "Oonga pala ano ba kasi ang ng yari" tanong din ni Zita sakin "Nanaginip kasi ako...akala ko totoo na...ma nakakatakot na lalaki na... kasama si Mirella sa panaginip ko...nanakatayo sa may bintana..." kwento ko sakanila... "oh Binangungot ka anak? dati naman pag hindi maganda ang panaginip mo at nakakatakot samin ng papa mo ikaw tumatakbo ngayon kay Mirella na ang takbo mo malaki kana talaga anak" "Ay naku tita alam ko bakit ganun ang panaginip nyan... pano may nanliligaw napo kasi kay Mirella..." "ay oongapala yung pinakilala nya samin kagabi yung gwapong binata... abay kung kasing bata pako ni Mirella magkakagusto din ako sakanya" "Ma!" awat ko sa kwentuhan nilang dalwa nahihiya ako sa ginawa ko at kinuwento ko pa sakanila... "Anak.. hindi ko naman sinabing hindi ka Gwapo.. gwapo karin naman kaso... Mas astig ngalang sya sayo.. at malakas ang loob..." "Yun nga pinag aalala ko kasi..baka lokohin nyalang si Mirella" "Anak ehdi wag kang susuko...lagi kalang mag stay sa tabi nya... susuportahan kanamin syempre mas boto ako sayo kasi anak kita... pero Malakas kasi kalaban mo akalain mong may magkakagusto kay Mirella na ganun ka gwapo..." "Ma naman... alam ko naman na talo nako nag usap nakami kagabi" "ano!? umamin kanaba?" sabay na sabi ni Mama at ni Zita... umiling ako.... "Ok lang iyan anak magagawa mo din iyan!" "ano bayan ang aga aga ang iingay nyo" si papa na gising na.... "nagising kaba namin.. kumain kana" sabi ni mama kay papa.. "Teka bat si Mire wala dito" tanong ni papa... "Ay oongapala Zita paki gising si Mire baka malate pasya sa pag pasok" "Tita bakit hindi nalang si Art" "Tama ka Zita... oh anak ano pa ginagawa mo lakad na...." tinutulak ako ni mama papalabas ng bahay... para puntahan si Mirella... huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa bahay ni Mirella...dahil hindi ko ni Lock ang kwarto nya.. nakapasok ako dito... mahimbing parin natutulog si Mirella at humihilik pa... natawa ako sa lakas ng hilik nya pagod na pagod... nag ttrabaho pakasi sya kahit hindi na nya kailangan gawin iyon.. lumapit ako sa kama... at umupo sa tabi ng kama... hindi ko alam kung gaano na katagal... pero pinag mamasdan ko lang sya.... hinawi ko ang buhok na naka harang sa muka nya at hinawakan ko ang muka nya...... ewan ko ba bakit pero nakita ko nalang ang sarili ko nahahalikan na sya.....pero.... Mirella POV... bat pakiramdam ko ang tagal ko ng natutulog... kaya agad akong napabangon... pero "Aray!....." nasabi ko habang hawak ko ang noo ko nauntog ako... napalingon ako sa tabi ko nakita ko si Art na hawak din ang Noo nya... "Art anong ginagawa mo dito?" habang kinakamot kamot ko ang noo ko... "Pinapunta nila ako dito para gisingin ka" "Oongapala naku malalate tayo!" agad akong bumangon at dumaretsyo na sa CR para maligo....pandalas nako kasi baka malate kami... hindi ko na tinignan ang oras... pag katapos ko maligo pumasok ako ng kwarto... maayos na ang higaan napasilip ako sa sala wala na si Art baka pumunta na sakabila...nag abala pa talaga sya ayusin ang higaan ko...kaya mas napabilis ang pag aayos ko sa sarili ko... ni Lock ko kagad ang bahay.... patakbo na sana ako pupunta sakabila ng may humila sa bag ko... "Saan ka pupunta?" "Papasok na hindi kapa kumakain" "Pero baka malate tayo" "Maaga pa.. hindi mo kailangan mag madali" "Bakit anong oras palang ba?" "5:30 pasado" "Ano ang aga papala pakiramdam ko kasi ang haba ng tulog ko maaga papala hindi ko na kasi nagawang tignan ang oras sa pag mamadali ko" binitawan na ni Art ang bag ko na kanina ay hila hila nya... "Tara na inaantay na tayo nila mama" "Ay oongapala hindi pako nakakapag luto ng almusal" "nakapag luto na si mama" napatingin ako kay Art...umiwas sya ng tingin...hinawakan ko ang muka nya...at tinignan ang namumula sa noo nya.... "Napalakas ba pag kakauntog ko parang bumukol ata... sorry Art hindi ko sinasadya" "Bat ka nag Sosorry... (ang too nyan kasalanan ko kaya nyako nauntog) halika na lalamig pa pagkain mo" nag simula ng maglakad si Art...at sumunod nalang ako.... "Oh andito nakayo Magandang Umaga Mirella" bati ni Tita sakin... "Magandang umaga din po Tita, Tito" bati ko din sakanila tumango lang si Tito habang kumakain... "Halikana dito Mire kumain kana hinanda yan ni Art para sayo lang..." sabi ni Zita... "Diba sabi ko naman sayo may himalang ng yayari" "Sinabi mo bayun?" "Oo kanina ay naku kalimutan mo na at kumain kanalang..." umupo nako sa tabi ni Zita at umupo nadin si Art.. "Hoy Art... Bat namumula kadyan" puna ni Zita kay Art...... napatingin si Tita at Tito kay Art.... at napatingin din ako kay Art.... "Kasalanan ko po kasi Tita Tito.... na untog ko po sya kanina habang ginigising nyako...." nagtinginan sila Tita at Tito pati si Zita.... "Yunba talaga ng yari anak?" tanong ni Tita kay Art pero hindi ito nag sasalita nahihiya ata sya "Pasensya napo Tita hindi ko po sinasadya" hindi ko alam bakit pero nag tawanan sila habang si Art pulang pula na ang muka... "Mukang matigas ang ulo mo Mirella at nabukulan mo si Art" sabi ni Tito.... at nag tawanan ulit sila..... "Tigilan nyo na po ako... kumain nalang tayo" saway nya kala tito at Tita pero.. hindi parin nito naiiwasan ang mapangiti habang kumakain kami ng umagahan.... napatingin si Art sakin... mukang galit ata sya sakin... hindi ko naman kasi sinasadya yun eh... kaya yumuko nalang ako... Taro POV... "Anak eto na yung baon mo... at ang pinaluto mo para kay Mirella..sana magustuhan nya ito" nag paluto ako kay mama ng pagkain namin ni Mirella.... "Aalis nakami ni Taro ma" paalam ni Koji kay mama.... "Mag iingat kayong dalwa...Taro... Fighting!" "Salamat ma" sabi ko kay mama.... "Hindi kaba mag bibike papunta dun..." tanong ni Koji sakin.. "Hindi na siguro gusto ko sya makasabay sa pag lalakad...gusto ko sulitin ang bawat oras na makakasama kosya..." "samahan kita kahit hanggang kanto lang.... bago ako papasok..." "Ok sige" sinamahan ako ni Koji... hanggang kanto ng lugar nila Mirella.. hindi naman kasi ganun kalayo ang bahay nila sa bahay namin... mga ilang kanto lang ang pagitan... at hindi rin ganun kalayo ang lugar nila sa School... kaya namang lakarin lang... "Paano maiwan nakita... mauna nako pumasok" "Salamat Koji" nag simula nako pumasok sa Lugar nila.... hanggang makarating nako sa Compound nila... naunang lumabas ng bahay si Mirella... kinawayan ko sya at ngumiti lang sya...kasunod nya si Art na lumabas...na nakatingin sakin.... sa kilos ni Mirella mukang hindi pa sya umaamin dito..... mag lalakad na sana papunta sakin si Mirella ng pigilan nya ito... "Saglit" iniharap nya ito sakanya.... Mirella POV.. paglabas ko ng pintuan nakita ko si Taro... nakangiti at kumakaway sakin totoo nga sinabi nya... sabay nga kaming papasok ngayon... mag lalakad nasana ako papunta sakanya.... ng bigla akong hilahin ni Art.. at iniharap sakanya... nagulat ako sa ginawa nya kaya nanlaki ang mga mata ko.... pero tumawa lang si Art.. "Bat ganyan ang itsura mo?" "Pano nagulat ako sa ginawa mo" "Ano bayun?" lumapit sya at bumulong sa Tenga ko... "Hindi ba masakit yan?" sabay pitik nya sa Noo ko... "Ahhh!!! dinga may bukol ba ang noo ko masakit yun huh" "Akala mo ako lang ang namumula ang Noo satingin mo bakit sila nag tatawanan kanina" "hala! makikita to ni Taro ano bayan..." biglang isinuot ni Art ang Sumblero sakin... "Hayan hindi na nya makikita yan maliban nalang kung tanggalin mo yang sumblero...." "Oh bat hindi pakayo nalakad" si Zita lumabas nadin kasunod si Tita... "Oh... Hi Pogi! kanina kapa badyan" bati ni Tita kay Taro.... habang tinutulak kami ni Tita... pero hindi ako handa sa ginawa ni Tita malalag ako...sa Hagdan...may hagdanan kasi ang bahay nila tita... mga limang baitang yun... hindi panga ako nakakahakbang eh.... sinubukan ko kumapit kay Art pero hindi nako umabot.......... paharap akong babagsak "Mire!" sigaw ni Zita.... bakit ng yayari ito... nakakahiyang makikita ni Taro... ang pag kalaglag ko.... pero bago pa mang yari yun nakita kong malapit napala si Taro sakin... kaya napa akap ako sakanya... at hindi nako tuluyang bumagsak... "Ok kalang?" agad akong humiwalay sakanya... ang bango nya...... "Oonaman oklang ako" sabay ayos ko sa sarili ko... "Pasensya na po pero mauna napo kami..." sabay hila ni Taro sakin papalayo kala Zita, Art at Tita... kumaway nalang ako sakanila... ni hindi ko na nagawang makapg salita dahil ang bilis ng pangyayari na bigla nalang nyako hinila.... Art POV... "Ma....!" naiinis kong sabi kay mama "Pasensya na Anak nakaharang kasi kayo sa Daanan eh ibibigay ko lang naman itong baon nyo naiwan nyo kasi... hindi ko naman sinasadya yun" "Sorry ma" "Naku tita akin na yang baon... Ako na magdadala aalis napo kami ni Art" kinuha ni Zita ang baon at hinila ako... papaalis ng bahay namin.... "Sige mag iingat kayo" sabi ni Mama samin alam ko naman na hindi nya yun sinasadya pero bakit hindi ko nagawang hawakan sya ng sinubukan nyang humawak sakin... "Ui Art... umayos kanga...hindi natin sila maaabutan kung hindi natin bibilisan" tumigil ako sa pag lalakad naalala ko ang ng yari kanina... "Hindi ko na pansin na papalapit napala sya" "Hindi mo na mapigilan ang nararamdamn mo kasi nasasaktan kana...hay naku... kasalanan mo rin kasi babagal bagal ka... bilisan na natin kasi" sabi ni Zita....tama naman sya kaya... nag simula na ulit kaming mag lakad.... Taro POV... naiinis ako... para akong sasabog ng makita ko ang ginawa ni Art kay Mirella...nakaramdam ako ng kirot sa puso kaya hindi ko na mapigilan gusto ko sya alisin si Mirella sa kanya.... kaya sinimulan ko na ang lumapit sakanila... ng mangyari ang hindi inaasahan... muntik na malaglag sa hagdanan si Mirella.... naging kalmado na ang pakiramdam ko ng mapayakap si Mirella sakin... ngayong hawak ko nasya... hindi ko nasya bibitawan... kaya nag paalam nakami sakanila at hinawakan ko samay si Mirella at hinila sya....hindi ko alam kung gaano katagal at kabilis nakaming nag lalakad.... kaya tumigil muna kami....ng hindi ko binibitawan ang kamay nya.... tumingin ako sakanya..... tinanggal ko ang sumblero nya.... "Teka bat mo tinanggal" tinakpan nya ang noo nya....pero tinanggal ko ang kamay nya....namumula ang noo nya..... "Nagkauntugan kasi kami ni Art kanina ng Ginigising nya ko kanina...ayoko kasi makita mo ito...kaya ipinasuot nyasakin yang sumblero..." yun pala ang dahilan kaya.. pinigilan sya nito kanina... pero hindi ko mapigilang mainis nagagawa nyang makapasok sabahay nito....at sya pa talaga ang gumising.... "Galit kaba? - " bago pa nya matapos ang sasabihin nya....hinawakan ko ang muka nya...at umiling ako.... hindi ko magagawang magalit sakanya... "pasensya kana sa gagawin ko" ang sabi ko sakanya...habang hawak ko padin ang muka nya at nilagay ko sa bewang nya ang isa kong kamay para mailapit sya sakin.. at hindi nako nag dalawang isip ilapit ang muka ko sa muka nya para halikan sya sa labi nya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD