CHAPTER 19 Tumingin siya sa akin. Napakunot siya ng noo. Ngunit alam niyang ako iyon. Hindi lang siya sigurado pero alam niya ang aking mga mata, kabisado niya ang aking mga labi. Pumayat man ako at pumuti ngunit nakikita ko sa kaniyang mga mata ang unti-unting pamamasa nito. Yayakapin ko na sana siya ngunit biglang may tumabi sa kaniya at inakbayan siya. Napakislot ako. Gusto kong lumayo agad doon kaya kumilos ang aking mga paa paatras hanggang sa ako'y tuluyang tumalikod. Kasabay iyon ang masaganang luha na bumagtas sa akin pisngi. Huli na ang lahat. Gusto kong humagulgol. Nasa tapat na ako ng elevator nang biglang may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa aking balikat. "Terence? Ikaw na ba 'yan?" Hindi muna ako lumingon. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at mabilis kong

