Umiiyak na tumawag ng taxi si Kim wala siyang pakialam kung anong itsura at suot nya. Mas masakit palang makita ng harap harapang niluluko siya ng binata kesa sa mga pagdududa nya lang dito. Una pa lang malakas na ang kutob nya sa pagiging sweet ng Janna na yon sa nobyo nya. Buti na lang at hindi pa siya pumapayag na magpakasal dito. Magmumukha lang pala siyang tanga dahil nasa mismong bahay nito ang aahas sa kanya. "No way!hindi siya papayag na may kahati siya kung gusto nila sila na lang dalawa ang magsama." Inis na pinahid nya ang mga luhang bumabalong sa kanyang mata. "I hate you!Wala na kong paki kung mas masaya ka sa babaeng yon at least hindi ko na problemahin pa kung.....lintik na luha to ano ba!inis na kumuha ng tissue at pinahid na naman ang pisngi nya. "Hey tama na yang

