Nakatulog na siya ng maaga dahil sa pagod at sa nangyari sa kanila ni Diego.Masakit din ang p********e at katawan niya.Hindi na rin siya ginising nito.Hinayaan siyang makapag pahinga ng binata. Kinabukasan at sa mga sumunod na araw ay naging abala na ito sa pagtulong kay tatang sa bukid. Kailangan na nilang anihin ang ibang mga pananim at mga prutas. Inihanda na nila ang mga kalakal na ibebenta sa bayan. Ilang kaing din ng mangga at saging bukod pa sa mga gulay. Nakausap na ni Diego ang driver ng truk na napakiusapan nila. At sa isang araw na ang balik ng mga ito sa bayan para sa buwanang supply na galing sa Maynila. Kinausap ni Diego ang matanda bukod sa pagpasalamat sa pagtanggap sa kanila. Nangako siyang hahanapin nya ang anak nito at babalikan nya ang maglolo. Kahit sa maiksin

