Nalaman ni kim na iniwan ng ina ang batang si Baste nung dalawang taon pa ito. Iniwan ito sa lolo at lola nito. Hindi nito nakayanan ang hirap ng buhay kya lumuwas ito ng maynila ng makahanap ng pagkakataon. Gusto daw din nitong hanapin ang ama ni Baste na umiwan dito. Nalaman din ni Kim na huminto ang bata sa pag aaral.Nasa bayan pa kasi ang paaralan at nahihirapan ang bata. Hanga siya dito,kahit nasa murang edad nito ay mahal na mahal nito ang lolo nito. Kahit na gaano pa kahirap ay tinutulungan nito ang matanda. Naisip naman ni Diego na mahirap pala ang buhay ng maglolo. Umaasa ang mga ito sa mga alagang hayop at mga pananim para sa ikabubuhay nila. Walang kapitbahay ang mga ito kung meron man ay napakalayo pa. Ang mga kalakal na galing sa bukid ang ibinibenta ng matanda sa ba

