Abala ang kuya Nick niya at si Marianel sa pag aasikaso sa nalalapit na enggagement party ng mga ito at sa pag asikaso ng birthday party ng kanilang ina. Pinagagalitan na nga siya ng mommy nya dahil pinahihinto na siya sa pag oorganised ng mga event dahil baka ma stress pa siya at makunan. Siya lang naman ang may gusto dahil ayaw nyang magburo sa loob ng bahay. Mas nakaka stressed kung nasa bahay lang siya at laging maiisip kung naalala pa siya ng binata na hanggang ngayon ni tawag o email man lang siya ay hindi magawa.Kahit mag pm man lang sa f*******: eh wala uso naman ang f*******: ngayon para di magawang magpadala ng mensahe sa kanya. Pero kung ang pinagtutuunan nito ng pansin ang pagiging drag racing career nito hahayaan na muna nya ito. Kung saan ito masaya hindi nya pipigilan.

