"Mahal, gusto ko ng magka anak tayo. Tayo na lang ang wala pang anak sa pamilya. Mga ate ko at mga kapatid mo, lahat sila may mga anak na. Pero tayo, hindi mabiyayaan." wika ni Henry sa asawa. "Magpa check up kaya tayong dalawa, Mahal. Para malaman natin kung mayroong problema sa isa sa atin. Ako nga rin nagtataka, dahil wala naman akong ginagamit simula pa noon unang may mangyari sa atin. Seven years na, pero hindi parin ako nag bubuntis." mabilis na sagot ni Lynnette. Nagtataka ang mag asawa, dahil sa tagal na nilang magkasama ay hindi parin sila nakaka buo. Napaka imposible din na hindi mag buntis si Lynnette, dahil regular naman siyang magkaroon ng regla. "Okay Mahal, tatawagan ko si Doctora Charlotte, siya ang mag recommend ng mahusay na Doctor para sa atin." wika ni Henry. Muli

