Kasarapan ng tulog ni Henry ng bigla na lang siyang gisingin ni Lynnette. Inalog alog siya ng asawa, kaya sapilitan siyang gumising kahit nasa kasarapan na sana siya ng kanyang pag tulog. "Mahal, mahal, gusto kong kumain ng buko." wika ni Lynnette, habang inaalog niya ang malaking katawan ng asawa. "Hhhhm, anong oras naba?" tanong naman ni Henry. Naka pikit parin siya at tila gusto pa niyang matulog, ngunit kailangan niyang tugunan ang hiling ng asawa. "3 am." sagot naman ni Lynnette. "Ang aga pa mahal. Hindi ba pweding bukas na lang?" wika ni Henry. "Gusto ko ngayon na!" nagmamaktol na sagot ni Lynnette. "Saan naman ako makakabili ng buko sa ganitong oras? buti sana kung nasa Cebu tayo, kahit mag damag ka pang kumain doon dahil sarili natin ang mga puno ng niyog." sagot ni Henr

