ABALA SI HENRY sa pagde design ng kanyang bagong Application na ginawa. Para ito sa bagong Satellite na siya mismo ang gumawa. Ito ang magiging Communication nila kapag nasa mission sila sa mga lugar na walang signal o kuryente. Sa pamamagitan ng kanyang Satellite ay magkakaroon sila ng transmitter and Receiver kahit nasaan man panig sila ng Pilipinas. Matatapos na siya sa ginagawa ng bigla na lamang siyang kinabahan. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang pakiramdam, kaya tumayo siya at kumuha ng tubig na iinomin. Habang umiinom siya ay na alala niyang silipin ang kanyang asawa sa pamamagitan ng mga hidden camera sa opisina nito. Kaya mabilis niyang kinuha ang kanyang Laptop at tiningnan si Lynnette sa loob ng office nito. Nagtaka si Henry, dahil wala naman tao sa loob ng opisina ng as

