May dalawang araw pa na natitira sa leave ko kaya wala akong choice kundi ang mag-stay sa bahay pero pakiramdam ko ay mababaliw lang ako kung patuloy na ilo-lock ang sarili sa loob ng bahay. Tumawag ako kay Aileen at niyayang lumabas pero may pasok daw siya ngayon na naintindihan ko naman dahil weekday lang ngayon. Sinabi ko sa kanya na tatambay na lang muna ako sa opisina niya habang naghihintay sa kanya na dati rati na namin ginagawa pero hindi siya pumayag dahil sobrang busy daw niya. Sunod na tinawagan ko ay si Eric. “Yes, Nica what's up?” masiglang tanong niya. “I need someone to talk to, Eric. Busy ka ba? Meet tayo?” “Oh, I’m sorry, babe. Ang dami kong client ngayon. Next time promise! Bye!” Ngumuso ako habang itinatapik tapik ang cellphone sa kamay ko. Nag-browse ako sa social

