Paglabas ko ng elevator pagdating sa top floor ay may sumalubong agad sa akin. Mga nakangiti at tila kinikilig ang isang babae at ang kasama nitong bakla. Napakunot ang noo ko nang hawakan ako ng mga ito at pinasunod sa kanila sa isang dressing room dito. Iniupo nila ako sa harap ng isang malaking ng salamin sa loob nito at inumpisahan ng ilabas ang mga make up. I think I know what's going on. I thought. “Wait!” Saka ako tumayo. “Ma'am, maupo na po kayo kase kakapusin na po tayo sa oras. Malapit na po mag-start," sabi ng bakla. I raised my hand to stop him. “Wait, let me clear things first. Hindi ako ang fiancee sa party na ‘to. I'm also just an invited guest. Nagkatinginan ang dalawa saka ngumiti. “Oh! Ok Ma'am, sorry kase ang ganda ganda mo kaya napagkamalan namin na ikaw ‘yong

