Chapter 62

1777 Words

Mahigit isang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Ethan. Hiniling ni Tita Suzette na sa kanila na muna kami tumira pero tumanggi ako. Pero si Blake ay hinayaan ko na sa kanya muna during weekdays at sa akin naman kapag weekend. Sinigurado niya sa akin na walang magbabago kung anuman ang maging desisyon namin ni Ethan. Pagkatapos ng araw na kausapin ako ni Cindy at ipagtapat ang lahat sa akin ay pinatawad ko rin siya. Dahil alam ko na nagawa lang niya iyon dala ng sobrang pagmamahal. Lahat naman ng tao ay nagkakamali at karugtong ng pagkakamali niyang ‘yon ang kasalanan ko kay Ethan. Sabi ng mga kaibigan ko, ang bilis ko raw magpatawad. Pero para saan pa kung magagalit ako sa kanya at sisisihin sa mga nangyari kung alam ko naman sa sarili ko na mas mali ang ginawa ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD