Chapter 3

1609 Words
CHAPTER 3   Sa sobrang tahimik naming dalawa nai-imagine ko na ang tunog ng mga kuliglig. Natatakot nga ako na baka dahil sa katahimikan ay marinig niya ang kumakabog kong dibdib.   Please heart, be still. Halos magka-stiff neck na ako. Kanina pa kasi ako nakaharap sa bintana. He don’t seems to mind though. Tinanong niya lang ako kung saan ako papunta and that’s it.   Parang kahapon lang umaasta siyang hindi ako kilala. Now, I am in riding his car. Seriously? Ironic! Life is ironic.   I cleared my throat. Nanunuyo na kasi. Feel ko nga panis na ang laway ko. Nag-aalburoto naman ang kalooban ko. Hindi talaga ako komportable.   Why did he even insist na ihatid ako? Up until now hindi ko pa maproseso that after several years ay magkikita pa kami. I mean, he moves in a different world than mine, noon pa man. I never thought our paths will cross again but I know it's inevitable. Hindi ko lang talaga inasahan na sa ganoong tagpo.   Binalingan ko siya ng tingin, diretso lang sa daan ang tingin niya. I badly want to ask something ang kaso ano naman? Dapat ko ba siyang kamustahin? Will he be civil? Ito iyong iniiwasan ko eh. Iyong mapuno ako ng tanong that I can never find the answers.   “Galit ka ba sa akin?” Finally, I managed to ask.   He did not respond.   Awkward.   “Why would I?” Tanong niya and glanced at my side after a moment of silence.   “W-wala lang. Ang sama mo kasi makatingin.” I tried to laugh. Nagtunog hilaw lang tuloy. Gusto ko na lang mag face palm.   Bakit naman kasi siya magagalit di ba? In fact, ako pa nga yata dapat ang magkimkim ng galit but that would be childish. Matagal na iyon. Besides for the last years I have continuously conditioned my mind to be sport. No hate feelings.   ‘Weh?’ Ayan na naman ang atrimida kong isip.   I sighed.   Binalot na naman kami ng katahimikan. Lalo lang akong naging uneasy. Napapansin ko kasing paminsan-minsan siyang sumusulyap sa akin. Pinagpapawisan ako kahit malakas naman ang aircon. Panay lang ang buntong hininga ko.   Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas makita ko na ang building ng opisina namin. Feeling ko talaga mga isang araw na akong nakaupo sa sasakyan niya.   “Diyan na lang.” Sabi ko habang itinuturo kung saan siya pwedeng huminto. He pulled over.   “S-salamat.” Sabi ko before opening the door on my side.   Ang awkward lang talaga. Bago ako tuloyang bumaba tiningnan ko muna siya at nagsalita, “Sure ka hindi ka talaga galit?”   Sinamaan niya ako ng tingin. Napabilis tuloy ang pag-ibis ko. Nagmamadali akong pumasok sa opisina. Sinalubong ako ng nagtatakang tingin ng mga kasamahan ko.   “Oh anong nangyari sayo teh?” tanong ni Aiko.   “Ha? W-wala. Late na kasi ako kaya napatakbo ng konti.” Sagot ko.   Tinungo ko ang cubicle ko pagkatapos mag time in.   Buong araw akong lutang na hindi naman dapat dahil marami akong gagawin. Mabuti na lang umalis ako at doon sa BIR tumambay para mag-asikaso ng mga papales ng kliyente. Kahit papaano ay naging busy. Biglang tumunog ang cellphone ko. I fished for it inside my bag.   Pina calling…   Sinagot ko naman ito. “Oh?”   “Girl!” High pitched nitong bungad. Hindi halatang excited.   “Napatawag ka?” tanong ko at nagsimula ng maglakad.   “I am here!” Balita niya.   Kumunot naman ang noo ko.   “I mean nasa Pilipinas ako.”   “Talaga?” Pati ako ay na excite.   Naging close friend ko si Pina habang nasa Malaysia. Magkapit-bahay kami at pinasok niya pa ako sa trabaho doon. Ninang din siya ni Laviña. Nakakatuwang nandito nga siya. Well, hindi naman nakakapagtaka dahil mahilig talaga siyang magtravel. Hindi mapirme sa iisang lugar... for her personal reason.   “Kailan pa?”   “Just now. Ikaw agad ang tinawagan ko. I miss you girl.”   “Ako din. Na miss ka namin ni Laviña.”   “Kaya girl you better meet me tomorrow ha. Dalhin mo si inaanak.” Sabi niya.   “Oo naman. Tell me when and where.” Masaya kong turan. Ilang taon din kaming hindi nagkita ng personal panay face time lang hindi pa madalas.   “Kitakits. Bye for now.” She ended the call.   Bandang five thirty nagsi-uwian na kami. Excited akong umuwi.   Paniguradong matutuwa si Laviña na makita ang ninang niya. As usual sinundo ko siya sa school, panay pa ang tingin ko sa paligid baka may makasalubong na naman ako na kung sino. Dapat talaga matanglawin.   Hindi maganda sa puso kung magkikita pa ulit kami. Masyado ng magulo ang utak ko pati pa puso ko na hindi naman dapat. Nakakainis talaga.   Pumasok ako sa school at diretso sa waiting area ng mga bata. Hinanap ko si Laviña pero wala. Nasa playground siguro iyon.   Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang kalaro ng anak ko.   “Laviña!” Tawag ko sa kanya nasa swing ito at itinutulak noong aroganteng bata.   Bakit magkasama itong dalawa?   “Ma!” Masaya niyang bati sa akin. Inismiran ako noong batang lalake. Talaga naman. Ang sarap kutosan noong bata.   Tumayo si Laviña at nilapitan ako. As always gulo-gulo na naman ang uniform niya. Pawisan pa siya. Hay nako talaga!   “Nak bakit kasama mo iyan?” Ininguso ko si Aristotle.   “Eh kasi po, sabi niya hindi niya na ako tutuksohin kapag nakipaglaro ako sa kanya.” Nagkamot pa ito ng ulo. Mas lalo lang kumunot ang noo ko.   “Wala ba siyang kaibigan?”   Nagkibit balikat naman si Laviña saka dinampot ang bag niya na nasa lupa. Binaling ko ang atensyon kay Aristotle. Iniranpan niya ako bago nag-walk out. Anong problema ng batang iyon?   Umuwi kami ng bahay at ginawa ang nakasanayan. Sumalo sa amin sa haponan si Tratra iyong estudyante sa kabilang unit. Parang nakababatang kapatid ko na iyon. Graduating na ito sa kolehiyo. Mabait siya. Madalas ko nga iwan sa kanya si Laviña. Okay lang naman sa kanya. Mahilig kasi ito sa bata.   Kinabukasan tinanghali na kami ng gising. Ayos lang naman. Ngayong lunch pa namin kikitain si Pina. Isa pa ay wala naman na kaming labahin. Natapos ko na.   Bandang 10:00 am inasikaso ko na si Laviña. Hindi ko pa sinasabi na magkikita kami ng ninang niya. Balak kong surpresahin siya.   Inayosan ko si Laviña. Ang ganda talaga ng anak ko. Nakasuot siya ng denim short at kulay pink na tank top na pinarisan ko ng boots. Mukha siyang anak mayaman.   “Ma saan ba kasi tayo pupunta?” Pangungulit niya sa akin.   “Basta. Secret.” Sabi ko.   Humagihik naman siya.   Kikitain namin si Pina sa mall. Kakain muna daw kami ng lunch bago pumasyal. Bumaba kami ng jeep at pumasok sa mall. Tinext ko na si Pina na nandito na kami. Sa isang local restaurant kami magkikita. Nagreply naman siya na nadoon na daw siya.   Pumasok kami sa sinabing resto. Panay linga pa si Laviña sa paligid. Hindi ko naman kasi madalas na madala ang anak ko sa ganitong lugar. Maliit lang ang kita ko at wala talaga akong budget para sa mga ganito. Nakakahiya mang aminin pero ganoon talaga. Kaya nga nagsusumikap ako na mapag-aral si Laviña sa magandang school. Para kahit papaano ay maihanda ko siya sa future. Charot! Ang drama ko.   Agad kong namataan si Pina. Kumaway siya sa amin. Napangiti ako. Kinalabit ako ni Laviña.   “Si Ninang Pina po ba iyon?” Nakita niya na pala ang ninang niya.   “Yes anak.” Sabi ko.   Lumapit kami sa table ni Pina. Nagkayakapan pa ang magninang.   “Ang laki mo na baby girl and very pretty just like ninang.” Sabi nito. Laviña giggled.   “Kain na tayo?” Aya nito sa amin.   Habang kumakain ay nagku-kwentohan kami tungkol sa mga lakad ni Pina at sa pagaaral ni Laviña. Mahigit tatlong taon din noong huli kaming magkita. Iyon iyong bago ko napagdesisyonang iuwi na si Laviña dito sa Pilipinas. Isang taon ng patay si Mama non. Ang dalawa ko namang kapatid ay maayos na ang kalagayan at sinabi naman ng tiyahin ko na siya na ang susubaybay sa dalawa. May maayos na trabaho si Coleen at nangako siyang siya na ang bahala kay Cassidy na malapit na ding magtapos ng college ng mga panahong ‘yon. Inaya ko naman silang umuwi na lang kami sa Pilipinas pero tumanggi sila. Mas gusto nila doon. Hinayaan ko na. Hindi ko talaga maisip na doon magsettle down kaya heto.   “Kamusta ang heart teh?” Out of the blue na tanong ni Pina.   Natigilan ako. Alam naman kasi ni Pina iyong nangyari sa buhay ko bago pa ako nagtungo ng Malaysia. Sa katunayan nga ay na-ikwento ko sakanya na nagkita kami muli ni Ludwig sa chat.   Tumawa ako sa tanong niya. Ang seryoso kasi ng dating niya. “Syempre okay lang.”   “Weh?” Binigyan niya ako ng hindi-ako-naniniwala-look.   Umirap na lang ako. Echosera din ang isang ‘to!   “Medyo may ouch ng kaonti.” I said truthfully. As if naman makakalusot ako sa kanya. Masakit parin naman talaga.   “Wala ka bang balak na sabihin sa kanya?” Muli na naman niyang tanong. I was caught off guard again. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Umiling ako at tipid na ngumiti.   “Hindi ganoon kadali.”   “Hindi ganoon kadali o natatakot ka lang?" Ayan na naman siya sa mga linyahan niya. Para akong na hotseat. Pambihirang babaeng ‘to. Napatingin ako sa anak ko na enjoy na enjoy sa pagkain niya.   “Overated man ‘tong sasabihin ko girl pero sasabihin ko parin. I care for you. You know that right? Darating ang araw na lalabas din ang katotohanan. I hope handa ka para doon.” She said full of sincerity kabaliktaran sa personality niyang luka-luka.   I nodded, understanding every word that she said. Nagtaka naman ako nang matigilan si Pina at nakatingin sa likuran ko. Nakaharap kasi siya sa may entrance. May nakita sigurong kakilala or familiar. Nilingon ko na para maki-chismis din. Malay mo kilala ko.   Pati ako ay natigilan. Parang may pumiga sa puso ko sa nakita. Kilala ko nga kung sino. Si Ludwig kasama si Aristotle at si C-Caroline, ang ex-girlfriend niya na ipinalit sa akin, na asawa niya na ngayon. May bumara sa lalamunan ko.   Agad akong nag-iwas ng tingin nang hindi na nakayanan pa.   This is the price I have to pay for my decision before, seeing the guy I loved happy with his own family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD