31st Chapter

1017 Words

UMUNGOL si Emil nang tumama ang liwanag sa mga mata niya. "Kenneth, close the damned blinds!" Nang walang tumugon sa kanya at minulat na niya ang mga mata niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansing wala siya sa kuwarto niya. Kinakapa na niya ang cell phone niya sa bulsa niya para tawagan si Kenneth nang mahagip ng tingin niya ang picture frame sa bed side table. Maraming mukha ang nasa larawan, pero agad niyang nakita si Sava ro'n. Sava? Ah, naalala na niya ang lahat ng nangyari. Pero mas tumatak sa isipan niya ang paghalik niya kay Sava. Napangiti siya, pero agad din iyong nawala nang dumako ang tingin niya sa larawan. Kasama rin pala ni Sava si Echo ro'n. Inalis niya ang picture sa frame. Kinuha niya ang pentel pen sa ibabaw ng drawer saka initiman ang mukha ni Echo sa litrato.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD