PUMITO si Emil habang nakasilip sa bintana ng sinasakyan niyang Porsche. Nasa harap niya ang mataas na gusali kung nasaan ang opisina ng Turning Point. Nasa ika-dalawampung palapag iyon. Sa klase ng gusaling iyon, halatang bigatin ang nasabing magazine. Nilingon niya si Kenneth na nasa driver's seat. Seryoso ito habang pina-park ang kotse niya. "Kenneth, I want a building like that." Ito kasi ang manager niya at ito rin ang humahawak sa mga kinikita niya sa bawat laban niya. Huminto na ito sa pagbo-boksing dahil hindi raw iyon ang passion nito. "Gagawin mong keychain?" pambabara nito sa kanya. Natawa lang siya. Kilala niya si Kenneth kaya alam niyang ang ibig nitong sabihin ay walang kuwenta ang gusto niyang mangyari. Nakakatuwa dahil magaling humawak ng pera si Kenneth, hindi gaya niya

