"Shian! Nasa labas na sila Josan!" sigaw ni Sheun sa labas ng kwarto ko. "Oo na! Bababa na!" pasigaw na sagot ko at mabilis na kinuha ang sling bag ko at saka tumakbo palabas ng kwarto ko. Pagkababa ko ready narin si Winry dahil isasama ko siya sa ngayon sa meeting at dahil doon pinasama ni Mommy si Sheun so the three of us will go. Nakasimangot namang lumabas si Sheun ng bahay. Labag na labag sa kalooban niya ang pagsama. Hindi ko pa nasasabi kay Lerrybel ang pagsali ni Winry at Sheun sa mga tutulong sa event but I can talk it up. "Hi! Kasama ko sila Sheun." sabi ko kay Lerrybel ng kumatok ako sa bintana at ibaba niya 'yun. "Sure!" mabilis niyang sagot at saka bumaling ang tingin kay Winry na katabi ko. Bigla siyang ngumiwi. "Nagsama pa kayo ng yaya, ha?" sabi nito at tumawa ng ma

