Jeiko I looked up to the sky above me. Tumatambay ako ngayon sa lilim ng isang pine tree sa quadrangle. Maraming tao, mostly girls ang dumadaan at pinagtitinginan ako pero wala na muna akong pakialam sa kanila. Gusto ko munang mapag-isa. I kept on thinking about Shian. Totoo bang gusto niya si Franco? Kung ganoon ay hahayaan ko ba siya? But, Shian kept on saying that she isn't, ano ba talaga? I doubt she's saying the truth. Nakita ko kung paano niya tignan si Franco ng kakaiba ng sumama kami sa table nila doon sa MCDO. Pero kilala ko rin siya, hindi siya marunong magsinungaling. Ngunit napatunayan ko 'yun ng sabihin sa'kin ni Thria ang nalaman niya sa mga kaklase ni Shian, lalo na sa bibig mismo ni Ponsithia na malapit kay Shian. Wala naman talaga akong pakialam kung magka-boyfriend

