Third Person's POV "Yow, dude! Niyaya ako ni Shian. Tulong daw tayo sa Year End party ng Buenavilla. Hindi kaba niyaya?" ani ni Castielle sa kabilang linya. Kumunot ang noo ni Jeiko, "No, she didn't." tamad niyang sagot. "Maybe ayaw ka niyang pumunta. Nag-away ba kayo?" tanong ng tsismoso. Mas lalong kumunot ang noo niya. "We didn't. I'll go anyway. Saan ba?" tanong niya. Naalala niya ang sakit sa mukha ni Shian kahapon habang papalabas ng bahay niya nang makita si Farana na nagluluto. Maybe she is mad at him. "Same venue last year end party. By the way, may ipapakilala ako sayo. He's a friend. Baka kilala mo." anito. "He? Sino?" Nagtaka pa siya dahil ito ang unang pagkakataong nagpakilala ito ng isang lalake at hindi babae. "Kalem Montesor, kilala mo si Dewlon sa Cebu, diba? Sma

