"Please?" pagmamakaawa ko kay Jeylord. "Pwedeng maghanap kana lang ng iba?" dugtong ko, half begging. Kasalukuyan kong pinipilit si Jeylord na si Jeiko nalang ang maging date ko for the reunion nila sa Palawan pero ayaw niya. Nasa kabilang linya siya ngayon at halatang pinagtyatyagaan niya lang akong kausapin sa phone dahil busy siyang tao. "I told you already, Yan-yan. Hindi na magbabago ang isip ko. Ikaw ang magiging date ko. Ako naman ang unahin mo..." pabiro niyang pahayag. Ngumuso ako. Ang tanga ko talaga! Hindi man lang ako nag-isip ng sumang-ayon ako sa paanyaya niya. Sana pinag-isipan kong mabuti. "And now you're regretting it." pabirong sabi niya ngunit bakas ang tampo. Napabuntong hininga ako. Kahit di ko naman sinabing pinagsisisihan ko, nakuha nanaman niya. Idol ata si Sh

